#JustTheBenefits
Kabanata 25
Hindi ko alam kung paano ko nagawang matapos ang gabing iyon. Pakiramdam ko hindi na iyon matatapos. I have never felt this tired in my entire life. Para bang naubos ang lakas ko sa bawat pagtulo ng luha ko... at parang pinapatay ang puso ko ng paulit-ulit habang nakikita ko kung paano ko nasasaktan si Parker.
But I asked one simple thing. Ang gusto ko lang naman na malaman ay kung sino si Bianca Agustin. Hindi ko naman inakala na sobrang hirap pala sagutin ng tanong na iyon... Na mas pipiliin niya na matapos kaming dalawa, na mapunta sa wala lahat ng pinagsamahan namin dahil sa isang babae na ni minsan ay hindi ko pa nakikita.
Sa isang iglap, wala lahat.
That night, I cried myself to sleep. Hindi na ako pumasok kahapon at sa tingin ko, hindi na lang din ako papasok ngayon. Ayokong makita ang kahit na sino; ayokong makausap ang kahit na sino. Gusto ko lang mapag-isa... gusto ko lang damhin lahat ng sakit kasi umaasa ako na baka masanay ako... Na baka isang araw, magising ako na wala na akong nararamdaman.
Didn't they say to embrace the pain until it hurts no more?
Pakiramdam ko, wala na akong luha para iiyak pa. Buong linggo lang akong nasa loob ng townhouse. Ilang beses akong sinubukan na tawagan ni Mari pero hindi ko sinasagot ang tawag niya... Ang tanging nakausap ko lang ay ang Papa ko na tinanong ako kung kailan ako gagraduate. Mabuti na lang at naalala ko na may plano pa nga pala ako sa buhay. Na hindi pa pala sira lahat.
Come Monday, I was forced to go back to the real world. Hindi naman kasi maaari na iwasan ko na lang ang lahat. Mabuti na lang talaga at magkaibang bloc kami ni Parker kaya mas maliit ang tyansa na magkasalubong kami sa campus.
Pagdating ko sa room, ang unang nabungaran ko ay si Shiloah. Wala si Candy sa pwesto niya. Laking pasasalamat ko naman dahil wala pa ako sa tamang huwisyo para magpanggap na wala akong alam sa mga kalokohan niya.
Nung makita ako ni Shiloah, agad niya akong kinausap.
"I'm okay," I told him though I wasn't so sure myself. Ni hindi nga ako makakain ng maayos ng hindi naiiyak. Sobrang emotional ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan magtatagal 'to.
Pero hindi siya sumagot dahil kahit naman ako ay hindi kumbinsido sa sagot ko. It was a lie that both of us knew. I appreciate that he didn't ask any more questions because I wasn't in the mood to feed him lies. Umupo na lang ako sa pwesto ko at tahimik na naghintay sa pagdating ng professor namin.
"I'm fine," I assured him again dahil nararamdaman ko ang pagtingin niya sa akin. "Ayos lang ako," I repeated.
He didn't say a word but it was obvious he didn't buy it.
Ilang sandali pa at dumating na ang professor namin. Hindi ko sinasadya na mapansin na wala si Carl at Candy. Bigla na namang uminit ang ulo ko nung maisip ko kung ano ang mga possible nilang ginagawa. How could they fathom doing such things? Masaya ba talaga manloko ng kapwa? Makakaramdam ba sila ng satisfaction kapag may nasasaktan sila?
Does it really feel that good?
"I have two good news," panimula ng prof namin. My head shot up. I definitely could use some good news in my life. Life's been a train wreck for the past few weeks because of Parker... It was a constant darkness and now that I have finally freed myself from his shackles, it still didn't feel as good as I thought it would. Instead of being relieved, I had this hollow inside my chest that only him could fulfill. How cruel of life. "Which one do you want to hear first?"
Most of my classmates rolled their eyes. Pareho lang naman kasing good news so would it matter kung ano ang uunahin niya?
"Since the university week turned out to be one of the most successful event of the univ in record, the administration decided to give a reward to the best booth..." he said and none of us reacted. "And congratulations to the group of Ms. Harrison. Your group has been opted to go to Davao for a 3 days, 2 nights trip. All expense paid."
BINABASA MO ANG
Just The Benefits (PUBLISHED)
Художественная прозаImogen Harrison has been dating campus heartthrob Parker Yapchengco. But no one knows about it. Bagaman pumayag si Imogen na ilihim nila ni Parker ang kanilang relasyon ay hindi nawawala ang kanyang mga agam-agam tungkol dito. Buti na lang at madala...