#JustTheBenefits
Kabanata 52
Because of what Tobi said, ni hindi ko magawang tignan si Shiloah. It was like looking at him was a reminder of what a selfish person I was. Na para bang sa tuwing makikita ko siya, bigla kong marerealize na ang sama kong tao at na deserving ako sa lahat ng paghihirap at sakit na nararamdaman ko.
I could only barely breathe when he's around. And he's around me all the time.
"Okay ka lang, girl?" Marga asked me and I only nodded. Nandito kami sa labas ng recording booth kung saan nagrerecord si Shiloah. Next, next week pa naman ang official launch niya as an artist pero ngayon pa lang, sobrang hectic na ng schedule niya. Kahit ako na assistant lang ay napapagod para sa kanya, e.
Parang gusto kong matunaw kapag naririnig ko iyong boses niya. It was that same angelic voice that soothes my soul pero ngayon, nag-iba na. I knew I didn't deserve that voice.
Siguro nga tama lang na ganito siya sa akin ngayon—na iniiwasan niya ako na para bang may nakakahawang sakit ako.
I tried to remove his voice from my head. Sinubukan kong tawagan si Quin dahil hindi pa rin siya nagpaparamdam. Hindi naman sa namimiss ko na siya pero nakakapag-alala kasi. He's not the type to be missing out of the blue. Sobrang kulit niyang tao. Ni hindi nga matatapos ang araw niya kapag hindi siya nakakapagsend sa akin ng joke sa text, e. It was unlike him to be MIA.
Pakiramdam ko tuloy may masamang nangyari.
"BF mo?" Marga asked nung makita niya iyong mukha ni Quin sa caller ID.
I shook my head. "Hindi. Kaibigan lang."
She gave me a knowing smile. "Nako! Pareho kayo ni Shiloah! Lahat friends niyo! Nakakaloka kayong dalawa," she said and then she nudged me. "Pero sa atin lang, ano nga kayo ni Shi? Lakas ng sexual tension sa inyong dalawa, e! Naloloka ako!"
Napangiti ako ng alanganin kay Marga. Wala talagang filter ang bibig niya. At saka kung awkward kami ni Shiloah, mas lalo kaming nagiging awkward dahil kay Marga. Wala na siyang ibang ginawa kung hindi tawagin kaming friends with air quotes. Mas lalo tuloy hindi ko alam kung paano ako gagalaw sa paligid ni Shiloah.
"May girlfriend 'yun," I said.
Tumaas ang kilay niya. "Weh? Sino?"
There was a lump in my throat but I managed to slip her name from my lips. "Candy," I said. Ang sweet sana ng pangalan niya pero ang sama ng ugali.
"Seryoso? May girlfriend si Shi?" sabi niya ng hindi makapaniwala. I nodded. "Hindi halata! Wala naman kasing tinetext at tinatawagan 'yun sa buong panahon na magkasama kami."
There was this uncalled for relief inside my chest nung marinig ko na walang tinawagan o itinext si Shiloah nung mga panahon na iniiwasan niya ako...
'At least I wasn't the only one who was ignored' a small part of my mind said.
Mabuti na lang at tumigil na si Marga sa pagtatanong tungkol kay Candy. Wala ako sa mood na ikwento kung paano naging si Shiloah at Candy. I refuse to tell the story because I knew I played a part... Nung mga panahon na iniiwasan ko na harapin na attracted ako kay Shiloah kahit na may boyfriend ako, pinilit ko siya na makipagdate kay Candy.
It would all go down to me. It was my fault. Lahat ng hirap na pinagdadaanan ko ngayon, ako rin ang may gawa.
Mayroong tumawag kay Marga kaya kinailangan niyang lumabas para sagutin iyong tawag. At sakto naman na paglabas niya ay sa tumawag iyong vocal coach ni Shiloah ng, "Okay. 5 minutes break then resume." Agad na lumabas si Shiloah mula sa booth.
BINABASA MO ANG
Just The Benefits (PUBLISHED)
General FictionImogen Harrison has been dating campus heartthrob Parker Yapchengco. But no one knows about it. Bagaman pumayag si Imogen na ilihim nila ni Parker ang kanilang relasyon ay hindi nawawala ang kanyang mga agam-agam tungkol dito. Buti na lang at madala...