Kabanata 5

1.1M 21.3K 5.2K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 5 

Kanina pa text ng text sa akin si Parker. Hinahanap niya kung nasaan ako. Nagtataka tuloy ako kasi pakiramdam ko nasabi ko naman sa kanya na may gagawin ako after class.

"May tanong ka?" I asked Shiloah. Pinapasagutan ko sa kanya 'yung isa sa mga exercise namin. So far, so good. Matalino naman pala si Shiloah, e. Pakiramdam ko nga ni hindi niya na ako kailangan dito. Kaya niya na gawin 'to mag-isa. Pero I can't deny the fact na naeenjoy ko iyong company niya.

Umiling siya at saka nagpatuloy sa pagsasagot niya. Ako naman, iniabot ko 'yung chocolate chip frappe ko. Nandito kami sa coffee shop sa labas ng school. Ang unang plano sana namin ni Shiloah is sa library kaya lang ay naalala ko na sobrang sungit pala ng librarian namin. Kaya naman napunta kami rito sa coffee shop.

Habang nakatingin ako sa kanya, hindi ko maiwasan na mag-imagine. Kailan kaya kami magiging ganito ni Parker? Iyong tatambay kami sa labas ng school at walang pakielam kung sino man ang makakita sa amin? Iyong magkahawak iyong mga kamay namin? Iyong sabay kaming naglalakad at ihahatid niya ako papasok sa room ko?

I smiled bitterly. Asa pa ako.

Dahil hindi ko matiis si Parker, nagreply na ako sa text niya.

To: Parker

Sunduin mo ako mamaya? Dinner?

Itinago ko na iyong phone ko matapos iyon. Ibinalik ko 'yung tingin ko sa lalaki sa harap ko. Tahimik pa rin siyang nagsasagot. Minsan, lumalabas iyong dimple sa kaliwa niyang pisngi kapag hindi niya masyadong maintindihan iyong binabasa niya. Ang cute niya talaga.

Pero kahit na pakiramdam ko isang inosenteng bata lang si Shiloah, hindi ko pa rin mapigilan ang magtaka... Sabi kasi sa file na binigay sa akin ni Mrs. Ocampo, bawal kong tanungin ang tungkol sa parents niya. Bawal din akong pumunta sa bahay niya. Bawal akong magtanong ng kahit ano na hindi siya magiging komportable.

Ang daming bawal. Mas lalo tuloy akong nacurious.

"Shiloah," I called his name. Saglit siya na tumingin sa akin bago niya ibinalik sa sinasagutan niya 'yung mata niya. Alam ko kung ilang taon siya. Sabi sa file, pinanganak siya nung July 16 at 20 years old na siya. Pero mas gusto ko siyang tanungin. Mas gusto ko na siya iyong nagsabi sa akin at hindi 'yung isang papel lang. "Kailan ang birthday mo?"

"B-bakit?"

"Wala lang," I casually replied. "Mamaya birthday mo pala ngayon, e 'di sana alam ko na hindi lang dapat frappe ang ilibre mo sa akin." I said and then winked at him—na dahilan kung bakit biglaang namula ang buong mukha niya lalo na iyong tenga niya. Maputi kasi si Shiloah, mas maputi nga lang ako sa kanya. Kaya naman kitang-kita kapag nagbublush siya.

"M-may gusto ka bang ipalibre?"

"Wala! Ito naman, gusto lang kitang kausapin," sabi ko sa kanya. Nako, delikado 'tong mapasama sa iba. Madaling mapagsamantalahan. Masyadong generous. "4 days na kasi tayong magkasama pero ang alam ko pa lang sa 'yo, ikaw si Shiloah Suarez at sobrang interesting ng sapatos mo."

Kumunot ang noo niya.

"Kapag kausap mo kaya ako mas tinitignan mo pa 'yung sapatos mo. Ano ba ang meron 'dun?"

"Wala..." mahina niyang sagot.

"E bakit nga?" I pushed. Hindi pa rin siya sumagot kaya kinulit ko siya ng kinulit. "Bakit nga? Ha? Bakit?"

Umiling siya. Aba. Ayaw niya talagang sabihin.

"Ibang tanong na lang. Bakit alam mo na birthday ko nung unang beses na magkita tayo?"

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon