Kabanata 67

670K 14.5K 5.8K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 67 

Hindi ako makapaglakad ng maayos. Pakiramdam ko bawat galaw ko, mayroong nakatingin sa akin. Kung hindi nga lang nakakahiya kina Marga, wala na akong balak pumasok sa company. Hindi ko rin kasi alam kung nakarating na ba sa mga big boss iyong mga balita.

Hindi ko alam kung alam ba ni Shiloah iyong tungkol sa kumakalat na balita. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya. Ni hindi ko nga alam kung bakit ganitong sobrang nag-aalala ako... Kung si Shiloah lang din, alam ko na ayos lang naman sa kanya na kumalat na ako iyong kasama niya. He never made me feel ashamed. Ramdam na ramdam ko na proud siya na ako ang kasama niya palagi... It's all me. It's always about my issues. Pakiramdam ko kasi, hindi pa dapat malaman ng publiko.

Ewan ko. Maybe I was just overthinking things again.

Pagdating ko sa office, agad kong hinanap si Marga. Siya lang naman ang nakakaalam talaga ng kung ano ang meron sa amin ni Shiloah. Hindi pa rin ako palagay sa ibang kasama namin sa team.

When I saw her, I tried to smile but I quite failed at it. Halatang-halata sa mukha ko iyong pag-aalala ko.

"Okay ka lang?" she asked.

I nodded. "Nasaan si Shiloah?"

"Kausap ni Irina and big bosses. May trouble yata," she said and that made my heart halt. Alam kaya nila? Nakarating kaya sa kanila iyong issue? Pero alam na naman talaga nila iyong tungkol sa girlfriend ni Shiloah. Ito nga iyong rason talaga kung bakit biglang sumikat si Shiloah.

"A-alam mo ba kung tungkol saan?"

I was trying to keep my calm. I was trying to act like everything's fine but I was failing miserably. Kinakabahan ako para kay Shiloah—o baka naman kinakabahan ako para sa akin? Hindi pa ako handa. Alam ko na maraming magbabago kapag nalaman nila iyong tungkol sa akin. And I wasn't ready for another change.

She shrugged. "Ewan. Pero mukhang hindi naman big deal," she said and then excused herself. Naupo muna ako sa isang gilid. Ilang minuto akong naghintay sa pagbalik ni Shiloah pero wala pa rin siya. I debated on calling him but decided against it. Siguro naman sasabihin niya sa akin kung may kinalaman ako sa pinag-usapan nila...

Haay, Imo. Stop overthinking.

When the clock stroke twelve, tumayo na ako. Baka naman talagang busy lang si Shiloah kaya hindi pa rin siya nakakabalik hanggang ngayon. Kinuha ko iyong gamit ko at tahimik na lumabas. Hindi ko alam kung paranoid lang ba ako o talagang tinitignan ako ng mga tao sa paligid ko...

I quickened my pace. Pagkalabas ko, pumara agad ako ng taxi. Sinabi ko sa driver kung saang hospital ako pupunta. Alam ko na gusto ni Shiloah na sabay kaming pumunta para sa check-up pero pakiramdam ko, hindi pa pwede ngayon. Sobrang mainit ang mata ng mga tao sa amin. Baka mabaliw ako kapag nagkaroon din ng balita tungkol dito!

Isa pa, paubos na iyong vitamins na unang inireseta sa akin nung OB. Ngayon pa lang talaga ako pupunta para sa totoong check-up. Gusto kong malaman kung ano talaga ang lagay ng baby... Kung ilang buwan na ba talaga siya... At kung pwede nga, kung babae ba o lalaki.

I wasn't anywhere prepared to be a parent but I couldn't help but feel excited. Ewan ko ba.

Nagbayad ako sa driver at saka dumiretso papunta sa pinanggalingan ko dati. Hindi nag-abala pa na magsuot ng cap o kung anuman dahil nasa ospital naman ako. Siguro naman walang fans dito si Shiloah... Pansin ko kasi na karamihan ay puro kabataan ang fans niya. Wala naman siguro dito sa ospital.

I really needed this. Hindi pwede na paranoid ako palagi. Hindi makakabuti sa akin o kaninuman ito.

Dahil wala naman akong appointment, naupo muna ako habang naghihintay sa free time nung OB. Kumuha ako magazine sa rack at saka binasa iyon. Napangiti ako nung makita ko na may isang feature doon tungkol kay Shiloah.

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon