#JustTheBenefits
Kabanata 38
I woke up with a very bad case of hangover. Parang sasabog ang ulo ko sa sobrang sakit. Unti-unti kong iniangat ang ulo ko para makita ko kung nasaan ako.
"Shit," I uttered under my breath. Mas lalo akong napamura nung mapagtanto ko kung nasaan ako. Bakit nandito na naman ako? Tumayo ako at agad na hinanap ang gamit ko. I was still wearing the same clothes I wore yesterday. Hindi ko lang talaga alam kung paanong nakarating ako rito.
Hard as I tried to dig in to my memory, hindi ko talaga matandaan. Paano akong nakarating dito sa bahay nila Tobi? Bakit nandito na naman ako? Ang alam ko ay nasa bar ako kagabi at umiinom. Ang huli kong naalala ay iyong inaway ko ang bartender dahil ayaw niya na akong bigyan ng inumin. Kaya paanong napunta ako rito? Everything was a blur.
Tinamaan ako sa pisngi ko nung batuhin ako ng mineral water?
"Drink up," sabi niya sa akin.
"Bakit ako nandito?" tanong ko sa kanya.
"Rehydrate yourself first and then we'll talk," he replied. Tinalikuran niya ako at naglakad siya palayo. Nakasuot lang siya ng t-shirt at cargo shorts. Mukhang kakagising niya lang dahil magulo pa ang buhok niya.
Ininom ko iyong binigay niya sa akin at parang gumaan kahit kaunti ang pakiramdam ko. Para kasi akong masusuka na nahihilo na nauuhaw na hindi ko maintindihan. Dala yata ito ng mga nainom ko kagabi. Hindi ko na maalala lahat ng ininom ko.
Pagdating ko sa ibaba, mayroon ng mga pagkain na nakahain. Nagsisimula ng kumain si Tobi kaya naman hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nakatayo lang ako sa isang gilid.
He shot me a glare. Mukhang galit na naman siya.
"Ano na naman?" I said. Palagi na lang mainit ang ulo niya sa akin.
"Maupo ka nga. Para kang pulubi na nakatayo d'yan." He rolled his eyes.
Ayokong makipagtalo pa sa kanya kaya naman naglakad ako at naupo. Nung ilang segundo ay wala pa rin akong ginagawa, napailing siya at saka itinulak iyong plato na may lamang bacon papunta sa akin.
"Eat," sabi niya.
Tahimik akong kumuha ng bacon, itlog, at saka fried rice. Gutom na gutom na pala ako, ngayon ko lang naalala. Kumain ako hanggang sa mabusog ako. Sumasakit pa rin ang ulo ko. Parang gusto kong matulog maghapon. Ano'ng araw ba ngayon? Tuesday? Bakit nandito ako? Bakit nandito siya? Hindi ba may pasok kami?
Nung matapos akong kumain, tinignan ko siya. "Pwede na ba akong magtanong?" Tinignan niya lang ako. "Bakit ako nandito?"
"You passed out last night. The crew called me."
Kumunot ang noo ko. Bakit siya ang tinawagan? Bakit hindi si— Shit. Si Shiloah! Agad kong hinalungkat iyong phone ko at nakita ko na halos mawalan na ng charge ang cellphone ko dahil sa dami ng missed calls at texts galing sa kanya. Tinignan ko iyong texts niya. Iisa lang naman ang laman.
Nakatingin lang ako sa cellphone ko. Gusto kong magreply pero hindi magawa ng mga daliri ko.
I can't do complicated. Sobrang kumplikado ni Shiloah.
At isa pa, pakiramdam ko ay pagtataksilan ko si Parker.
Itinago ko iyong cellphone ko. Tinignan ko ulit si Tobi. "Bakit ikaw?"
"What do you mean?"
"Hindi tayo close. Hindi nga tayo friends, e. Kaya bakit ikaw ang tatawagan nila?"
"Why can't you just thank me? Dami mong tanong palagi."
Tumayo siya.
"Same drill. Get the clothes you need in my sister's room. May pasok tayo. Get dressed," he said and then started walking upstairs. Iniwan niya na naman ako na parang dito rin ako nakatira sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
Just The Benefits (PUBLISHED)
General FictionImogen Harrison has been dating campus heartthrob Parker Yapchengco. But no one knows about it. Bagaman pumayag si Imogen na ilihim nila ni Parker ang kanilang relasyon ay hindi nawawala ang kanyang mga agam-agam tungkol dito. Buti na lang at madala...