#JustTheBenefits
Kabanata 54
Parang baliw.
Naka-ngiti pa rin ako hanggang ngayon dahil sa ginawa ni Shiloah nung isang araw. Tatlong araw na ang lumipas pero hindi pa rin mabura iyong ngiti sa mukha ko. Kaya pala pinakain niya ako nang pinakain para hindi ako makapunta sa 'dinner' namin ni Tobi. E in the first place wala naman talaga kaming dinner dahil imbento ko lang iyon!
Haay, Shiloah and his crazy ways.
Tinignan ko si Shiloah. He was being briefed dahil mamaya na iyong launching niya as an artist. Medyo bumilis. I wanted to ask Marga kung bakit napabilis ang launching dahil ang alam ko, next week pa dapat. Pero mukhang confidential dahil sa management. Mukhang nagkakagulo nga ngayon, e. But it wasn't my place to question the management's decision kaya sumunod na lang ako.
Shiloah looked tensed. Kahit naman kasi ako, kinakabahan. Mapapanood siya live in national television. I think he's allowed to have some nerves.
Nung umalis na 'yung assistant producer nung show, nilapitan ko siya at binigyan ng tubig.
"Okay ka lang?" I asked and he nodded though halata naman na hindi siya okay. Ang putla nga niya. "You'll do great."
He timidly smiled at me. He was fiddling with his hands. Malamig naman sa studio pero nakikita ko na pinagpapawisan si Shiloah.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya.
"Seriously, chill. Kaya mo 'yan," I said. "Remember when you sang in front of the school? You said it was fun. Ganito lang din iyon. Just enjoy the moment and do what you love because I'm sure that the people will love you, too."
Dahil sa sinabi ko, napa-tingin siya sa akin. He was looking at me with such intensity—like he wanted to say something but he couldn't do it.
Kung anuman ang pumipigil kay Shiloah para sabihin iyon, gusto kong malaman. I wanted to know what caused him to avoid me. Hindi pa rin kasi malinaw sa akin na bigla niya na lang akong iniwasan... But in time I'll know that. For now, kuntento na ako na ganito kami. Na kahit paunti-unti, bumabalik kami sa dati.
This was more than what I could ask for.
"Thank you," he said.
I reached for his hand and enclosed it with mine. I didn't say anything but I smiled. And I think that smile talked for me.
Magkahawak ang kamay namin ni Shiloah habang naka-stand by kami sa set. Busy ang mga tao dahil isang sikat na talk show ang pinuntahan namin. Panghuling guest si Shiloah dahil gusto ng management na brief lang ang maging interview sa kanya para may tinge of mysteriousness pa rin daw. Gusto na pakantahin lang siya ng live then mamaya, debut na rin ng kanta niya sa mga radio station.
Kinakabahan ako pero sobrang saya ko para kay Shiloah. One part of me was scared to finally lose him kapag sobrang sikat na siya... But a part of me wanted the world to know Shiloah—of what a wonderful person he is.
Ayoko namang ipagdamot siya.
Maya-maya, tinawag na si Shiloah. I mouthed 'kaya mo 'yan' to him. Pumunta na siya sa harap at saka winelcome siya nung host. Naging sandali lang iyong pag-uusap nila pero mukhang naging okay naman dahil nagustuhan siya ng host. At isa pa, may isang grupo roon na may dalang banner na nakalagay 'Go, Shiloah! Go, baby love! –Shiloanatics.' Natawa na lang ako. Pamilyar kasi iyong mga mukha nila. Sila iyong mga babae sa bar. Ang cute lang dahil ang solid ng suporta nila kay Shiloah—mula sa simpleng gig niya sa bar, hanggang dito sa studio ay nakarating sila.
BINABASA MO ANG
Just The Benefits (PUBLISHED)
General FictionImogen Harrison has been dating campus heartthrob Parker Yapchengco. But no one knows about it. Bagaman pumayag si Imogen na ilihim nila ni Parker ang kanilang relasyon ay hindi nawawala ang kanyang mga agam-agam tungkol dito. Buti na lang at madala...