Kabanata 63

686K 15.9K 11.3K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 63

"Sigurado ka ba na kaya mo na?"

Tipid akong tumango kay Shiloah. Alam ko na napapansin niya na may kakaiba sa akin. Hindi ako masyadong nagsasalita at kung kinakausap niya naman ako ay tipid lang ang mga sagot ko sa kanya.

I pretended to be asleep the whole time he was with me. Hindi ko kaya na makita iyong mukha niya dahil mas lalo lang akong nakukunsensya. He's too good to be true at hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Do I think he'd make a good father? Of course I do. Alam ko na kung magkaka-anak kami ni Shiloah, mamahalin niya ng sobra iyon. Kahit nga ako na hindi naman niya dapat mahalin at alagaan ay nagawa niyang pasayahin... paano pa kaya iyong bata na deserving sa lahat ng pagmamahal na meron siya?

But I can't deal with any of this right now. Ang gulo ng isip ko. Gusto ko munang lumayo sa kanya pansamantala para makapag-isip ako. Gusto ko lang mag-isip. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman ko dahil nalilito talaga ako.

Inayos na ni Marga iyong bills sa ospital pero alam ko na si Shiloah ang nagbayad doon. Nung nagpapanggap ako na tulog ay narinig ko na tinanong niya si Marga kung may nangyari bang seryoso sa akin dahil pakiramdam niya raw ay iniiwasan ko siya. My heart throbbed for him. Ayoko na saktan siya pero nalilito ako.

It's too sudden.

I wasn't anywhere ready.

I was 20. I was supposed to be building my life and following my dreams—hindi ang mabuntis ng maaga.

Inalalayan ako ni Shiloah nung palabas kami sa ospital. Mas lalo lang sumakit ang ulo ko nung mapansin ko na maraming nakatingin sa amin na nurse. I wanted to tell him na magsuot siya ng cap o kahit ano na pantakip sa mukha niya pero hindi ko na lang ginawa. Wala akong lakas para makipagtalo sa kanya.

Pagpasok namin sa loob ng van, sinabihan niya iyong driver na sa condo dumiretso. Tahimik lang kami pareho. Hawak ni Shiloah iyong kamay ko. I knew he was just waiting for me to speak up but I wasn't ready yet. Hindi ko siya kakausapin hanggang hindi ko alam kung ano ba dapat ang gawin ko.

"Gusto kong magpahinga," I told him nung nasa tapat na kami ng tower.

He nodded. "Okay," sabi niya at saka akmang baba na rin siya pero pinigilan ko siya.

"Mag-isa," I told him. "Gusto kong magpahinga mag-isa."

He looked at me and sighed. I knew I was being difficult but I was in a difficult situation. Hindi niya ako maiintindihan dahil magkaiba kami ng priorities. Gusto niyang magkaroon na ng pamilya, ako hindi pa.

I was too young. It was too early. And I knew it was my mistake.

Dumiretso na ako sa loob ng unit at saka naupo. I didn't know what to do next. Mayroon pa akong halos 4 na buwan bago ako grumaduate pero alam ko na sa panahon na iyon, hindi ko na maitatago iyong pagbubuntis ko. Hindi rin naman ako pwedeng magdrop dahil masisira ang lahat ng mga plano ko.

Napapikit na lang ako ng mata. Hindi ko na alam.

"Nasaan ka na?" Marga said. Sinagot ko iyong tawag niya kahit masakit ang ulo ko. Maaga akong natulog kagabi pero walang silbi ata iyon dahil parang mas sumakit lang ang ulo ko nung nagising ako.

I looked at the time and it was already 8am. Usually ay nasa office na ako nun at binibigay na sa amin ang schedule ni Shiloah para sa araw na iyon. But this was no ordinary day. Ni wala pa ngang 24 hours simula nung malaman ko na... buntis ako.

Damn. Magiging nanay na ba talaga ako?

"May sakit ka pa ba?" she asked.

I said yes kahit na wala naman akong sakit. I was just confused—about this, about everything.

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon