Kabanata 10

1M 19.3K 3K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 10 

Kanina pa ako hindi mapalagay dahil nakukunsensya ako. Hindi ko naman sinabi na hintayin niya ako... Hindi ko naman sinabi na mag-alala siya sa akin.

Haaay, Shiloah.

Gusto ko siyang kausapin. Pakiramdam ko mayroon siyang problema kaya pinuntahan niya pa ako. Ako lang naman kasi ang kaibigan ni Shiloah... as far as I was concerned. Bukod sa akin, wala siyang ibang kinakausap sa school.

Mas lalo naman akong nakonsensya. Kung mayroon nga siyang pinagdadaanan ngayon, gusto kong nandun ako sa tabi niya. Palagi kasi siyang nandyan kapag kailangan ko siya kaya naman gusto kong suklian iyong kabaitan na ibinibigay sa akin ni Shiloah...

But not right now. I wanted to focus all my energy on Parker. Gusto kong maging masaya lang ngayong gabi. I wanted to at least forget about my problems even for tonight. Dapat masaya ako dahil finally, ipapakilala na ako ni Parker. Sa iba, siguro oo isang maliit na bagay lang 'to. But for me? This was a game changer.

"You alright, babe?" tanong sa akin ni Parker. Tumango ako at mas lalo niya namang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Nagdadrive siya papunta sa condo ni Emma. Kinakabahan ako. Oo, kilala ko si Emma dahil sikat siya sa school pero hindi niya naman ako kilala.

Magustuhan kaya nila ako para sa kaibigan nila? Ano kaya iyong magiging reaction nila kapag nalaman nila?

Damn. Kinakabahan talaga ako!

"Kinakabahan ako." Hindi ko na napigilan na sabihin. I didn't want to mess this up. Parker did a bold thing to introduce me to his friends so I really wanted for things to go as smoothly as possible. Ayoko na panget ang first impression nila sa akin. I didn't know. Usually, hindi naman ako conscious sa impression sa akin ng mga tao dahil hindi naman mahalaga kung ano ang iniisip nila... Pero ngayon? Parang may mga hayop na nag-aaway sa loob ko. Sobra akong kinakabahan. Words wouldn't suffice to describe the vortex that's eating me up alive.

"Don't be; they'll love you," he said and then squeezed my hand.

Sa ilang taon ko na nabuhay, ngayon lang ako nagpasalamat sa traffic sa Guadalupe. It was buying me more time para mas makapaghanda. Ano ang sasabihin ko kapag nasa harap ko na ang mga kaibigan ni Parker? Hindi ko alam kung ano ba ang mutual na interes namin... Paano kapag boring pala akong kausa? Paano kapag hindi ako makasabay sa mga gusto nila?

God, bakit ba ang dami kong iniisip? Why can't I just be one of those people who do not worry? Why was overthinking my middle name?

"What is Emma like?" I asked him. Kinunutan niya ako ng noo. "I mean, para naman makapagprepare na ako ng list of possible topics na pwede naming pag-usapan," agad na paliwanag ko.

Parker smiled at me and slowly shook his head. "Babe, you're overthinking things," sabi niya. Iniangat niya iyong kamay niya na nakahawak sa kamay ko. He kissed my knuckles and then smiled while doing so. "Just be yourself."

I grunted. "You know how I am a colossal mess!"

"Babe, you're my colossal mess," sabi niya na naging dahilan para mapangiti ako. Bwisit talaga 'tong si Parker! Alam na alam niya kung ano ang dapat sabihin at kung kailan iyon sasabihin. He just really knows me. "Seriously, babe, chill out. Mababait 'yung mga kaibigan ko; they won't eat you up alive."

I looked at him with hopeful eyes.

"Really?"

He nodded.

"Really, really, babe. So, just relax, okay?" he asked me to which I nodded half-heartedly. "And if they don't like you, so what? Mahal pa rin kita."

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon