Kabanata 34

778K 15K 6.5K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 34 

"Come on, you're drunk," sabi sa akin ni Tobi. He was trying to get me to stand up but the world seemed like all swirly from where I was sitting. Pakiramdam ko gusto kong isuka lahat ng kinain ko. I slapped his hand away from me.

"Ang kulit mo!" I tried to sound angry but I knew I sounded gibberish. How many drinks have I dawned? I already lost count. Hindi ko alam na ganito pala kasaya malasing. Parang nawawalan ka ng kontrol. Nasasabi mo lahat ng gusto mong sabihin. Nawawala lahat ng inhibitions mo. "Gusto ko pa rito!"

He shook his head.

"You're annoying drunk."

I giggled. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi niya. I just really felt like laughing.

"I texted Parker," sabi ko sa kanya at saka winagayway iyong phone ko. "Proud ka ba sa akin?" I said and laughed.

Napailing na naman siya.

"Way to go. Dumping someone over the phone? Really original, Harrison."

I pouted. "Kasi kapag sa personal ko sinabi sa kanya, aamuhin niya lang ako tapos okay na ulit kami. Ayoko ng ganun. Ayoko na talaga. Nakakapagod na kasi."

He just patted my head na parang bata ako.

"Ano'ng oras na?" I asked him.

"Quarter to 2," he answered.

"Ha."

Hinawakan niya ako sa braso ko at saka itinayo. I laid my head on his shoulder.

"Nahihilo ako."

"Of course you're dizzy," sabi niya. Binuhat niya ako. My lids felt so heavy. Sobrang inaantok na ako.

Isiniksik ko iyong ulo ko sa gilid ng leeg niya. "Thank you," I mumbled.

"Sure." That was the last thing I heard before I fell asleep.

Pagkagising ko kinabukasan, gulat na gulat ako dahil wala ako sa kwarto ko. Agad kong tinignan ang sarili ko at napansin ko na iyon pa rin ang suot ko. Thank gods! I was about to shout bloody murder kung iba na ang suot ko!

Agad akong tumayo but then, I felt a stinging sensation inside my skull. Damn hangover! Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong uminom, e! Akala mo naiiwasan mo ang problema pero sa totoo lang, nandun pa rin. You're just trying to mask away the pain but you're really not doing anything about it. Nandun pa rin. Masakit pa rin. You're just delaying the inevitable.

"Good morning."

Muntik na akong atakihin sa puso nung makita ko si— "Tobi?" I asked in my still disoriented state. Pero ni hindi pa ako nakakasagot nung may ihagis siyang paper bag sa akin. "Ano 'to?"

"Clothes," he mumbled. "There's the CR and feel free to use anything."

Tumalikod na siya pero huminto siya.

"And do it faster. We have a flight to catch."

Umalis na siya at isinara ang pinto. Ako, nakatulala lang doon. Ano raw? Saan kami pupunta?! Ilang segundo akong nag-isip bago pumasok sa isip ko na ngayon nga pala kami pupunta sa Davao! Shit!

Kahit na parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko at parang hinahalukay ang tiyan ko, pinilit ko na makapunta sa CR. The cold water was very welcomed. Pakiramdam ko ay kahit kaunti, natanggal ang hilo na nararamdaman ko. I was very quick but I still felt very refreshed. Hindi ko na itatanong pa kay Tobi kung saan niya nakuha itong damit na ibinigay niya sa akin. They looked brand new dahil mayroon pang price tag.

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon