#JustTheBenefits
Kabanata 68
From: Shiloah
May sakit ka ba? Hindi ka pumasok e... Nagaalala ako
I closed my eyes and took a deep breath. I didn't want to avoid Shiloah. Ayoko na saktan siya o isipin man lang niya na mayroon siyang nagawang masama kaya iniiwasan ko siya... but god, I felt guilty for everything. I felt guilty for everything that I did to him.
He was nothing but good to me but all I did was hurt him.
I called in sick for the last two days. Hindi nagtanong si Marga dahil siguro alam niya na rin iyong tungkol sa meeting. I didn't need anyone prodding me. I was a walking mess. Mabuti na lang at hindi ko nakasalubong si Shiloah nung umalis ako. I could've said things I didn't mean...
Hanggang ngayon hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung ano ba ang sinabi ko. Kahit iniisip ko pa lang na posible na si Parker ang ama, parang gusto ko ng maiyak.
Gods, it was all my fault! Why did I even sleep with him before he... shit. Sobrang gulo! If only I could just pack my bags and go away—away from all of these—I would. Parang konti na lang, bibigay na iyong isip ko.
Ilang oras pa bago sumikat iyong araw pero hindi na ako makatulog ulit. Kapag pumipikit ako, nakikita ko iyong mukha nila... Para akong mababaliw. Parang gusto ko na lang umiyak at magtago. Bakit sa akin pa kailangang mangyari 'to? Bakit kung kailan pakiramdam ko ayos na iyong lahat, na sa wakas pwede na ulit akong maging masaya, magugulo na naman ang lahat?
Sobrang unfair. Sobrang sakit.
Nakatingin pa rin ako sa dingding dahil ayokong pumikit. Ayokong makita iyong mga mukha nila. Ayokong maalala kung gaano kagulo at ka-kumplikado ang mga nangyayari sa buhay ko... At pakiramdam ko, isang segundo pa ng katahimikan ay patuloy na akong mababaliw.
Umupo ako at saka kinuha iyong cellphone ko. Ilang beses akong huminga nang malalim bago ko nakuhang tawagan si Marga.
"Uy. Kamusta?"
I smiled. Alam ko na kahit naiipit si Marga sa pagitan ko at ng management, totoong kaibigan ko siya. Totoong nag-aalala siya para sa akin at para kay Shiloah.
"Nandyan ba si Shiloah?"
There was a beat of silence before she responded. And even I knew that it was an omen.
"About that... Ano kasi, Imo. Memo from the management na office work ka na raw. Alam mo na? Para naman matutunan mo na talaga 'yung business management chenes na talaga namang pinunta mo sa A&D."
Natahimik ako. Bakit ganon? Kahit alam ko na naman na mangyayari 'to, nasaktan pa rin ako. Of course ilalayo nila ako kay Shiloah. They couldn't kill the fire but that doesn't mean that they'll keep the thing that fans it.
"Oh," was my initial response. "Sige, pupunta na ako."
"Sure ka? Baka hindi mo pa kaya..."
"Kaya ko," I lied. But I should. Kaunti na lang naman, matatapos na rin 'to. Ilang linggo na lang, matatapos na ako sa practicum at kailangan ko ng bumalik sa school. Hindi ko lang alam kung paano ko maitatawid iyong mga linggo na iyon na hindi ko nakakausap si Shiloah.
I missed him terribly but I didn't want to face him. Ayokong magsinungaling sa mismong harap niya. And it pained me whenever I would see his face—iyong mukha niyang tuwang-tuwa dahil magkakaroon na siya ng anak... Hindi ko kayang magsinungaling pa lalo. Hindi ko kaya na saktan siya.
Paano kung hindi niya anak? Paano niya tatanggapin iyon?
Gods, I didn't want to cause him more pain! Pakiramdam ko ay puro sakit na lang ang idinudulot ko sa kanya!
BINABASA MO ANG
Just The Benefits (PUBLISHED)
General FictionImogen Harrison has been dating campus heartthrob Parker Yapchengco. But no one knows about it. Bagaman pumayag si Imogen na ilihim nila ni Parker ang kanilang relasyon ay hindi nawawala ang kanyang mga agam-agam tungkol dito. Buti na lang at madala...