Kabanata 62

616K 15.6K 8K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 62 

I woke up with a pounding head. Ang sakit ng ulo ko at hanggang ngayon ay nahihilo pa rin ako. I looked around and noticed that I was in an all-white room and there were IV drips attached to me.

"Thank gods!" I heard someone say. My vision was still a little blurry so I adjusted it until I saw Marga. She looked utterly worried. "Ayos ka na ba? Pinakaba mo akong babae ka!"

I winced because she was really loud. Nagsorry naman agad siya sa akin at sinabi niya na nag-aalala lang daw talaga siya sa akin kaya hindi niya mapigilan na pagtaasan ako ng boses.

"Ano'ng nangyari?"

"Ano bang naaalala mo?"

I recalled what happened before I lost consciousness. Naaalala ko na dumaan kami ni Marga sa gitna ng maraming tao dahil kailangan naming makarating sa van. Masyadong maraming tao. Naaalala ko kung paano ako nasiko at natapakan iyong paa ko.

And then I couldn't breathe anymore.

She was about to tell me something when her phone rang. Tinignan niya ito at kumunot ang noo niya.

"Drat. Sagutin ko lang 'to, ha? Kanina pa nangungulit, e," she said.

"Si Shiloah ba 'yan?"

She nodded.

"Pakausap," I told her. Gusto kong malaman kung wala na ba sila ni Candy. Gusto kong malaman kung magiging okay na ba kami. Damn ang dami kong gustong malaman!

She shook her head.

"Magpahinga ka muna. Mamaya na kayo mag-usap tutal pauwi na rin naman 'to, e."

Wala na akong nagawa dahil umalis na rin siya. I looked around in attempt to find my bag. Gusto ko na kasi talagang makausap si Shiloah. The longer I stay clueless, the more I'd panic. Gusto ko lang naman malaman kung ano ang nangyari sa pag-uusap nila ni Shiloah.

I tried standing up but my limbs felt sore. Para akong nabugbog. Pakiramdam ko tuloy nung hinimatay ako ay natapakan ako ng mga tao para sumakit ang katawan ko ng ganito. So I quit trying to stand up dahil mas sumasakit lang ang katawan ko. I just looked at the clock and noticed that almost 3 hours na rin pala ang lumipas.

"Imogen Harrison?" sabi nung babae na pumasok. She looked like a doctor. Tumango lang ako at saka lumapit siya sa akin. "How are you feeling?"

I answered truthfully. Sinabi ko na masakit ang katawan ko at medyo nahihilo pa ako. Pakiramdam ko naman ay normal ito dahil sobrang stressed out ko lately. Halos araw-araw ay kung saan-saan kami nakakarating at halos madaling araw na rin palagi kung makauwi ako kaya sobrang late ko na rin matulog.

At lalong nitong mga nakaraang araw lang ako nagkakaroon ng matinong tulog... Dahil nung nakaraang buwan, tuwing pipikit ako ay nakikita ko ang mukha ni Parker. And I just can't sleep with that thought roaming inside my head. Mas gusto kong mapuyat kaysa makita iyon sa panaginip ko.

It was a torturous time for me so I wasn't even surprised that the stress finally caught up with me.

"That's normal," the doctor said.

I nodded.

"So, ano po ang reseta niyo? Kailangan ko na bang mag-vitamins?"

She nodded tapos ay mayroong isinulat. Pinilas niya iyong papel at saka ibinigay sa akin. "You need to buy all of that para maging healthy ka na ulit. And Ms. Harrison, no more late night sleep for you. Kailangan mong matulog ng maaga and as much as possible, avoid stress. You need to start eating healthy and live a healthy lifestyle. Hindi makakabuti sa baby kapag stressed ka palagi."

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon