Kabanata 33

838K 15.5K 6.1K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 33 

Ang tanga-tanga mo! Kanina ko pa pangarap sa sarili ko. Hindi ko alam kung naka-ilang tampal na ako sa sarili ko. Ilang araw na rin ang lumipas simula nung may nangyari sa amin ni Parker. Nagkakasalubong pa rin kami sa school at paminsan ay kinakausap niya pa rin ako pero hindi na kasing dalas nung dati.

Something changed and I could not pinpoint on what that was. Either way, nagpapasalamat na rin ako dahil nagkaroon ako ng panahon para huminga.

"Tama na nga," sabi sa akin ni Mari. I called her because I badly needed someone to talk to. Para akong mababaliw kung wala akong pagsasabihan ng mga nararamdaman ko. I was so conflicted. Hindi ko na alam kung alin sa mga ginagawa ko ang tama. I was so blinded with my pain that I was acting on impulse. I was contradicting myself more than I wasn't.

"Tinutulak ko siya palayo pero ganun 'yung ginawa ko. Ang tanga ko lang."

She looked at me and sighed. I was thankful to have her in my life. Kahit na puro problema ko na lang ang dinadala ko sa kanya, palagi lang siyang nandyan sa tabi ko. Mabuti na lang at may mga tao pa na kagaya niya.

"Alam mo? You're being too hard on yourself."

Napataas ako ng tingin at kumunot ang noo ko sa narinig ko sa kanya. Hindi ko maindtindihan... ang alam ko ay ayaw niya kay Parker para sa akin.

"'Wag mo nga akong tignan ng ganyan," she admonished. "Ang ibig ko lang naman sabihin e syempre kakahiwalay niyo pa lang nung gago na 'yun. Okay lang naman na malito minsan, Imo. May pinagsamahan kayo nung tao, e. Hindi ka naman robot na bigla na lang mawawala 'yung feelings mo, 'di ba?"

Umiling ako. "Hindi, Mari. Mali kasi talaga 'yung ginawa ko. Imbes na mas madalian kaming dalawa, mas mahihirapan lang kami."

"Girl, makinig ka sa akin, okay? Minsan ko lang 'to sasabihin," sabi niya. "Although I hate Parker's guts so much, hindi ko madedeny na mahal na mahal ka talaga 'nun."

Hindi na ako nagsalita. Ayokong marinig 'to. Alam ko naman na kasi. Alam ko na mahal na mahal ako ni Parker. Pero hindi na nga pwede, e. Bakit ba kasi ang hirap hirap makipaghiwalay? Bakit hindi na lang goodbye and good riddance?

Ang daming feelings.

Puro attachments.

"Bakit ayaw mong bigyan ng isang chance pa?"

"Hindi na nga pwede."

"Bakit? Dahil dun sa takas sa mental?"

I nodded.

"So, mas gusto mo na kayong dalawa ni Parker ang magsuffer?"

Hindi ako sumagot.

"At saka pano kung mabuntis ka? Gaga ka kasi. Ginagalang ko 'yung choice mo na mag-engage sa premarital sex pero safe sex naman, girl."

Hindi na naman ako sumagot. Alam ko naman na hindi gumana ang utak ko nung mga panahon na 'yun. Kaya sising-sisi ako nung umalis si Parker. Gusto kong sapakin iyong sarili ko dahil sa katangahan ko.

"Ano? Another child out of wedlock na naman?"

"Hindi ako mabubuntis," I declared.

"Pagdasal mo na hindi ka buntisin niyang si Parker," she commented. "Maawa ka naman sa bata. Isang indecisive na nanay at isang lalaki na maraming issue sa buhay bilang tatay niya. Kawawang bata."

I laughed at her statement. Baliw talaga 'to.

"Hindi 'yun gagawin ni Parker sa akin."

She shrugged. "Hindi mo alam kung ano ang kayang gawin ng taong in love," she said. Alam ko naman. Tignan mo kung ano ang ginawa ni Bianca para lang makuha si Parker...

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon