Kabanata 47

696K 15.3K 6.7K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 47 

Hindi ko alam kung paano kong nagawang matapos ang dinner kasama si Ate Kach ng walang aberyang nangyari. She was so adamant na sa condo ako ni Parker tumira. I just couldn't. Ang daming babalik na ala-ala. Iyong masaya, iyong masakit—lahat 'yun babalik. Wala akong kontrol sa kung ano ang maaalala ko kapag tumapak ako sa lugar na minsang naging bahay ni Parker.

'Dun sa lugar na nakasaksi sa amin nung masaya pa kami. Nung wala pang Bianca na gumulo.

"San ka ngayon?" Quin asked me nung paglabas namin sa restaurant.

I shrugged. Bakit kaya hindi ako nag-aalala na wala akong tutulugan? I felt so complacent. It was a very strange feeling yet it felt so welcomed. Na para bang pagkatapos ng lahat ng lungkot, sa wakas, mayroon ng isang bagay na malinaw sa buhay ko.

"Para kang ewan," he said. "Saan ka matutulog?"

"Ibaba mo na lang ako sa Mcdo. Pwede naman sigurong magpalipas ng gabi 'dun."

He ruffled my hair. It felt comforting. Ang weird lang pero sobrang kumportable ko talaga kay Quin. I can be myself when I'm with him. Tsaka naaalala ko si Parker sa kanya. Oo, gusto kong magmove on mula sa nararamdaman ko kay Parker pero hindi naman ibig sabihin nun na gusto kong burahin lahat ng pinagsamahan namin.

I still want to remember him.

Ayokong kalimutan iyong meron kami because once in my life, he became the most important part of me. Hindi ko kayang itapon 'yun.

"Baliw. May condo ako. 'Dun ka na lang kaya?" he offered.

I felt the chilly wind of December on my face. Ilang araw na lang talaga, Pasko na. Saan kaya ako magcecelebrate? Uuwi kasi sa probinsya si Mari. Wala akong makakasama. Last year, si Parker ang kasama ko. The years before that, ako lang mag-isa.

"Talaga bang lahat ng mayaman may spare condo?" I genuinely asked him. Bakit lahat sila parang ready magpahiram ng condo nila? May bahay naman sila. Malaki pa nga, e. Kaya bakit kailangan pa nila ng condo?

He looked at me weirdly.

"Ewan ko," he replied.

I sighed. "Kung siguro mayaman ako, wala akong ganitong problema," I said to the wind. Hindi naman ako nagsisisi na pinanganak ako ng nanay ko. Kahit naman maaga niya akong iniwan, mahal ko naman siya. Iyong tatay ko, kahit naman hindi niya ako kayang ipagtanggol sa totoo niyang pamilya, naiintindihan ko naman siya.

Natigil ako sa pag-iisip nung maramamdaman ko na inakbayan ako ni Quin.

"Kung anu-anong naiisip mo. Tara na nga. Ihahatid na kita sa tutulugan mo," he said and then dragged me along with him.

Ilang minuto pa ang lumipas, nakarating na kami sa condo unit niya. Malapit lang pala sa BGC. Isang tingin mo palang sa tower, alam mo na mayayaman lang ang nakatira dito. Hindi ko maintindihan kung bakit nakapasok ako sa mundo ng mga mayayaman na 'to. Simpleng tao lang naman ako pero halos lahat ng kakilala ko, puro mayaman. Ang weird talaga ng mundo.

Umakyat kami sa 19th floor at huminto sa isang pinto.

"Wait lang," sabi niya. "Nakalimutan ko 'yung code. Tawagan ko lang si Mama."

I nodded and then he went to call his mom. Muntik na akong matawa habang kausap ni Quin iyong mama niya. Mukhang kinukulit pa siya dahil napapakamot na lang siya sa batok niya.

"Oo na," he said sheepishly. "Uuwi ako mamaya." Tinapat niya iyong cellphone niya sa akin. "Maghello ka."

Nagulat ako pero nagawa kong maghello. "Hi po, auntie."

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon