Kabanata 40

794K 15.4K 8.9K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 40 

Maaga akong nagising—ang totoo, hindi ako nakatulog. Matapos naming gawin 'yun, nagpanggap akong tulog dahil hindi ko alam kung paano haharapin si Shiloah. Ano ang sasabihin ko sa kanya? Wala akong naramdaman. This is not the way how I imagined it would felt. Not like how it used to with Parker...

Fuck. Siya na naman.

Nagpanggap akong tulog nung maramdaman ko na hinalikan ako ni Shiloah sa sentido. I felt guilty. I knew it was wrong to use him but I couldn't stop. I can't think about what he would feel when I can't even comprehend my own feelings. Sobrang selfish.

I was drowning in my own pain. Paano ko pa iisipin 'yung nararamdaman ng iba? I wouldn't expect others to understand me dahil ako mismo, hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Nakatingin lang ako sa kawalan hanggang sumapit ang umaga. Dahan-dahan akong umalis mula sa tabi ni Shiloah. Ni hindi ko tinignan ang natutulog niyang mukha dahil makakaramdam na naman ako ng awa sa kanya.

Awa dahil mahal niya ako.

Awa dahil alam ko na malabo na mahalin ko siya.

Awa dahil si Parker pa rin talaga ang gusto ko.

Dumiretso ako sa CR at naligo. Hindi ko alam kung gaano ako katagal doon. Hinugasan at sinabon ko ang katawan ko na para bang sa ginawa kong 'to, mawawala roon ang bakas ng mga ginawa ko. Na para bang mapapatawad ako ni Parker sa kataksilan ko.

Nagbihis ako at lumabas. Paglabas ko, nakita ko si Shiloah na nakaupo sa kama. Napatingin siya sa akin.

"Good morning," sabi ko. Naglakad ako habang pinapatuyo ko ang buhok ko gamit ang tuwalya. Hindi ko alam kung bakit ko siya binati. Dahil ba ayokong magkaroon na naman ng katahimikan sa pagitan namin?

Nakatingin pa rin siya sa akin. Naiinis ako dahil ramdam na ramdam ko kahit na nakatalikod ako.

"Aalis ako mamaya," I said just to avoid the awkward atmosphere.

"Imo..." sabi niya, sobrang lambing ng boses.

"Oh?"

Akala ko mahirap umarte na parang walang nangyari sa pagitan namin pero madali lang pala. Mas madali 'to kaysa sa kumprontahin ang katotohanan. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko para gawin 'to. Si Shiloah 'to, e. Iyong tao na nandyan kapag kailangan ko. 'Yung tao na kahit ilang beses kong iwan, bumabalik pa rin sa akin. 'Yung kahit alam niya na may mahal akong iba, nandyan pa rin.

'Yung handang magpagamit kahit alam niya na wala siyang mapapala sa akin.

"'Y-yung nangyari kagabi..."

I was quick to shrug. "Ah, 'yun ba? Wala lang 'yun." Kitang-kita ko ang pagbabago ng emosyon sa mukha niya. Mula kanina na mayroon kang mababakas na tuwa, biglang nawala. Bakit? Umasa ba siya na dahil sa nangyari, magbabago 'yung nararamdaman ko?

Alam niya naman. Si Parker. Si Parker talaga. Si Parker 'yung iniisip ko nung kasama ko siya. Siya lang talaga.

Tahimik lang siya. Alam ko naman. Nasaktan ko siya. Pero mas okay na 'to kaysa paasahin ko siya.

I was cruel but I wasn't that cruel.

"Ah," sabi niya. Tumayo siya. Halata kung ano ang nararamdaman niya. Hindi talaga siya magaling magtago ng emosyon. "Okay," pagpapatuloy pa niya. Tumingin siya sa akin. "Saan ka pupunta?"

Alam ko na magsasabi siya na sasamahan niya ako. Ganito naman siya. Masyadong mabait. Hindi ko alam kung saan niya kinukuha 'yung kabaitan niya. Hindi ko alam kung kailan mauubos 'yun. Sana maubos na. Nakokonsensya ako sa sobrang bait niya.

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon