#JustTheBenefits
Kabanata 14
Hindi kami masyadong nagkita ni Parker matapos niyang magsleep over sa townhouse. Pareho kasi kaming busy dahil malapit na iyong midterms. Alam naman kasi ni Parker na mahalaga sa akin ang pag-aaral kaya alam niya na hindi niya talaga ako dapat istorbohin kapag ganitong panahon na malapit na ang exams.
Sa sobrang busy ko, nawala na sa isip ko iyong mga ibang bagay na dapat pinoproblema ko. Naka-focus na lang talaga ako sa mga bagay na dapat kong pag-aralan. Sabi nga nila, eye on the target. Malapit na akong matapos sa pag-aaral; ang panget naman kung ngayon pa ako magloloko...
"Good job. Enjoy your weekend, guys. You all deserve it," sabi ng prof ko matapos naming ipasa iyong exam papers namin para sa huling departmental exam namin. Nakahinga na ako ng malalim nung matapos na ako finally. Sobrang sakit ng ulo ko dahil wala halos akong tulog. Pakiramdam ko rin, kape na ang dumadaloy sa mga ugat ko. Kahit hindi ako mahilig sa kape, no choice dahil kailangan kong manatiling gising or else, wala akong maisasagot sa exams.
Pagkatapos kong ayusin iyong mga gamit ko, lumabas na ako. Pumunta muna ako kay Mari dahil mamaya pa kami magkikita ni Parker. Balak kasi namin na magbakasyon over the weekend dahil pareho kaming stressed sa dami ng exams namin. Mamaya pa ang tapos ng class niya kaya naman tatambay muna ako sa coffee shop kasama si Mari.
"Itsura mo dyan?" sabi ko kay Mari pagkatapos kong umupo sa harap niya. Nakasimangot siya at saka tinititigan iyong kape sa harap niya.
"May hindi ako nasagutan na isang item," sabi niya at saka nagbuntong hininga.
"OA mo naman. Para isang item lang, e," I said.
"Tss. 'Di mo kasi gets. Hindi naman ikaw 'yung papagalitan ng nanay mo kapag less than 100% ang grade mo," sabi niya at saka nagbitaw pa ulit ng malalim na hininga. "Well, anyway, ikaw, kamusta?"
I shrugged. Feeling ko naman nakasagot ako sa exams dahil nag-aral talaga ako ng mabuti. Naniniwala kasi ako na daig ng masipag ang matalino. Hindi man ako matalino innately, dinadaan ko naman sa pag-aaral. So far, so good.
"Magkwento ka naman," she said. "Kailangan ko ng balita maliban sa mga bwisit na balancing statements."
"Ano ang ibabalita ko? Wala namang nangyayari sa buhay ko," I replied. "Unless gusto mo na magkwento ako tungkol kay Parker," I offered kahit alam ko naman na iirapan niya ako. Ang lakas talaga ng allergy nito kay Parker. Minsan iniisip ko may crush na 'to sa boyfriend ko, e. Ibang level na talaga 'yung pagkairita niya kay Parker. Outlier na.
Umarte naman siya na nasusuka. "Pwede ba, kailangan ko ng de-stressor, hindi extra stress sa buhay."
"Ewan ko sa 'yo, Mari. Laki ng galit mo kay Parker e wala namang ginagawa sa 'yo 'yung tao," I said.
"Bayaan mo na nga ako sa feelings ko," sabi niya. "Kwentuhan mo na lang ako tungkol sa inyo ni Shiloah, dali!" pagpipilit niya sa akin. Napairap na lang ako sa kanya. Alam naman niya kung ano ang nangyari sa amin ni Shiloah last week pero heto pa rin siya, nagtatanong.
I narrowed my eyes at her. Hindi ko muna siya sumagot. Instead, I stood and then walked towards the counter. Nasobrahan na talaga sa kape iyong sistema ko kaya naman fruit juice lang ang inorder ko. Habang naghihintay na tawagin iyong pangalan ko, bumalik na ako sa pwesto namin.
"Ano nga? Spill na!"
"Wala naman akong ikukwento," I replied.
"So, hindi talaga kayo nag-uusap?" she asked, to which I nodded. "Tsk. Confirmed. May feelings nga siya sa 'yo."
BINABASA MO ANG
Just The Benefits (PUBLISHED)
General FictionImogen Harrison has been dating campus heartthrob Parker Yapchengco. But no one knows about it. Bagaman pumayag si Imogen na ilihim nila ni Parker ang kanilang relasyon ay hindi nawawala ang kanyang mga agam-agam tungkol dito. Buti na lang at madala...