Kabanata 2

1.7M 27.7K 11K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 2 

"Bwisit siya. Bwisit siya. Bwisit siya."

Kanina pa ako paulit-ulit ng sinasabi. Kahit ilang beses kong sabihin, hindi pa rin mapapawi nito 'yung inis na nararamdaman ko para kay Parker. Bakit siya ganon? Bakit ang hilig niyang gumawa ng pangako na hindi niya naman kayang tuparin? Bakit ang hilig niyang paasahin ako? Bakit ang hilig niyang saktan ako?

O baka naman kasi isa akong tanga na palaging umaasa kahit alam ko na sa huli, wala rin naman akong mapapala... kasi paulit-ulit lang naman na nasasaktan ako.

Patuloy lang iyong pagtulo ng luha ko. Hindi ko na iyon pinunasan. Para saan pa? Para paasahin 'yung sarili ko na baka sakaling kapag tumigil ako sa pag-iyak, biglang maghimala na dumating si Parker... Pero wala, e. Halos matatapos na iyong birthday ko pero ni isang salita man lang, wala akong natanggap galing sa kanya.

Sobrang sakit. Pero kahit sobrang sakit, hindi ko kayang bumitaw... Kasi ang dami ko ng naitaya. Hindi ko na kayang bawiin iyong mga nabigay ko kaya hindi ko na kayang sumuko.

"Salamat," sabi ko sa katabi ko. Humihikbi pa rin ako. Hindi na ganon kabilis iyong pag-agos ng luha ko pero hindi na kasing tindi nung kanina. Pero iyong puso ko? Ganun pa rin. Ang sakit-sakit pa rin kasi alam ko na hindi ako priority... at siguro never akong magiging priority.

At ang pinakamasaklap? Tanggap ko.

Pinunasan ko iyong luha ko at saka tinignan siya. Nung nakita niya akong nakatingin sa kanya, bigla siyang nag-iwas ng tingin. Nakatingin siya sa paa niya at saka pinaglalaruan iyong kamay niya.

Ang laking pasasalamat ko sa kanya dahil kahit papaano, may kasama ako ngayong birthday ko. Hindi naman niya responsibilidad na samahan ako pero nandito siya, katabi ako. Kahit na humahamog... kahit na ang lungkut-lungkot ko.

"Thank you," muling sabi ko.

Hindi pa rin siya nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung mas interesante bang kausap iyong sapatos niya kaysa sa akin kaya doon lang siya nakatingin.

"W-wala 'yun," he answered.

I quickly wiped the remains of my tears and heaved a deep breath. May isang oras pa bago matapos ang birthday ko. Hindi na ako umaasa na magpaparamdam pa si Parker. Kasi kung magpaparamdam siya, sana kanina pa. Sana nung hindi pa ako sobrang nasaktan... Sobrang nadisappoint... Nung hindi niya pa sa akin pinaramdam kung gaano kababa 'yung posisyon ko sa mga priority niya sa buhay. Sana kanina pa.

And so I faked a smile. Kahit ngayong gabi lang.

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" I asked him.

Mabuti naman at tumingin na siya sa akin. Nanlaki ang mata niya at para bang hindi siya makapaniwala na itinanong ko ang pangalan niya. Nakaturo pa siya sa sarili niya. Muntik na akong matawa sa kanya.

"I'm Imogen," I said, offering my hand. "Ikaw?"

"Shiloah," sagot niya. Parang nagdadalawang isip pa siya na kuhanin iyong kamay ko. Nung hinawakan niya ang kamay ko, ramdam ko iyong lamig.

"Ang lamig ng kamay mo," I commented.

Agad niya namang binawi iyong kamay niya. "Sorry..."

Tinignan ko siya nang mabuti. He looked nice. I mean, for a guy in this school, he looked pretty decent. Dahil puro mayaman ang mga tao sa school, akala nila mabibili nila lahat ng pera nila. Ang dami tuloy gago sa school na 'to...

And looking at Shiloah? He's a breath of fresh air.

"Bakit ka nagsosorry?" I asked him. Hindi na naman siya sumagot. "Boring ba akong kasama?" Agad siyang umiling. "Eh bakit ayaw mong magsalita?"

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon