Kabanata 32

838K 16.7K 7.4K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 32 

Ang pagkakatanda ko, nakatulog ako ng nakangiti.

Alam ko naman na mali itong nararamdaman ko. Mali na pumapayag ako na pasiyahin ako ng isang tao na hindi naman dapat. He was taken. My heart's still taken. The situation was wrong in so many levels... pero mali ba talaga na gustuhin mo na maging priority ng isang tao? Kahit minsan lang.

Mahigit isang taon kaming magkasama ni Parker. Sobrang saya namin dati... pero ni minsan, hindi ko naramdaman na priority niya talaga ako. Bigla na lang siyang nawawala, ni hindi ko kilala ang pamilya niya o mga kaibigan niya...

Masaya pero kulang.

Parang sobrang okay na pero hindi.

Nagising ako nung maramdaman ko na marahan akong niyugyog ni Shiloah. I stirred from my sleep and looked at him with my lids half-closed.

"Hmm?" I murmured in my almost asleep state.

"Kain ka na," he said. Itinuro niya iyong lugaw na nasa lamesa. "Sorry kung pinakailaman ko 'yung gamit mo. Kumuha ako ng kutsara," he continued.

Kukusut-kusot pa ako sa mata nung pumunta ako sa lamesa. The porridge looked so enticing. Lugaw ba talaga 'to? Mukhang gourmet food, e! Sabagay... personal chef ni Shiloah nagluto nito kaya ano pa ba ang ieexpect ko?

"Gusto mo?" I asked him as I dug in. Ang sarap nga.

Umiling siya at tinignan lang ako habang kumakain ako. Tumayo siya at pagbalik niya, mayroon siyang dala na gamot at isang bote ng tubig. Hindi siya nagsalita; basta ipinatong na lang niya ito sa tabi nung mangkok na kinakainan ko.

When I was done, I felt so much better.

"Nakakahiya na pinag-abalahan mo pa ako pero thank you. Ang sarap nung lugaw, grabe," I told him earnestly. Gusto ko tuloy bigla mameet iyong chef niya. Ang galing talagang magluto, e!

He just smiled as a response.

"Okay ka na?" I nodded. He nodded. "Sige, alis na ako."

Inihatid ko siya sa may gate. Nakita ko na nandun lang naman si Manong Roger sa labas at tahimik na hinihintay si Shiloah. Minsan talaga nagtataka na ako kay Shiloah... Wala talaga akong alam tungkol sa buhay niya. Ni hindi nga niya nababanggit ang parents niya... maliban dun sa isang beses na sinabi niya na hindi niya deserve lahat ng pera na mayroon siya. Kahit nga nung pumunta ako minsan sa bahay nila, parang ni walang bakas ni Shiloah dun.

Yes, his house was massive but it felt empty. Parang ghost town.

Hanggang sa makaalis na iyong sasakyan niya, nakatingin pa rin ako. Hindi ko namalayan na nakatayo lang pala ako sa labas kung hindi pa papatak iyong ulan. Agad akong pumasok at saka dumiretso sa kama. It's been a long day. Gusto ko na lang magpahinga.

Buong Tuesday, hindi ko nakita si Parker. Ang alam ko, buong araw siyang ginisa ng coach niya dahil missing in action siya nung mga nakaraang linggo. Nagtataka nga ako kung bakit hindi pa sinisipa sa team 'yun e palaging nawawala... Pero ang sabi naman kasi ni Quin dati, magaling daw talaga sa soccer si Parker kaya kahit irresponsable sa mga practice, team captain pa rin.

Ewan. Hindi naman talaga ako interesado sa soccer. Nanonood lang ako dati dahil kay Parker.

Nung Wednesday naman, hindi talaga ako nakapasok dahil may sakit na talaga ako. Palagi kasi akong nauulanan these past few days kaya natuluyan na akong nagkasakit. Buong araw lang akong nakabalot sa kumot. Wala naman akong aircon sa townhouse pero lamig na lamig iyong pakiramdam ko. Nagugutom ako pero wala naman akong lakas na magluto. Gusto kong umorder na lang ng pagkain pero sa Friday pa magpapadala ng pera si Papa.

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon