Kabanata 22

1.6K 25 0
                                    

Hindi na ako nakaangal ng hilahin ako nila Aileen pababa. They are near the beachfront and having fun. May bonfire sa gitna at d’on sila nakapalibot lahat. May nakikita pa akong mga case ng alcohol d’on sa may tabi at lamesa kung saan namin pinaglalagay ang mga pagkain at pulutan.

Aileen is laughing at me because she says I look like a wrapped fool. Suot ang hoodie at pajama, natuluyan ang excuse ko kanina sa kanila. Sumama talaga ang pakiramdam ko, siguro dahil sa matinding pag-iyak. Sinisipon, masakit ang ulo at alam kong may sinat ‘din ako. Kaya naman ganito suot ko dahil baka mas lalong lumala kapag mas nasapok ako ng hangin.

“Grabe, lamig na lamig?” biro ni Hans ng makita ang itsura ko.

The side of my lips rose. I didn't answer him and just hugged myself and bend my knees. Bahagyang malungkot dahil hindi ko matanawan Sila Dalton at Zillex. Gusto kong magtanong sa kanila pero nauunahan ako ng hiya.

“Lungkot na'tin ah? miss mo?”

Muntikan ko ng batuhin ng bote si Adam sa pang-aasar nito. Alam niya ang nangyayari pero wala siyang sinasabi na kahit ano. He said that's my decision, even if he's in favor of us being together, he can't do anything if I don't want to anymore.

“Bababa ‘rin ‘yong mga ‘yon. Excited ‘yong makita ka, ayaw lang magmukhang marupok.” natatawang sabi ni Adam sa akin sabay abot ng chichirya.

Napalabi ako at tinanggap ang binigay niya. Gusto akong makita? ni hindi nga nila ako matapunan ng tingin. It's okay though, baka bigla nalang akong lumuhod sa harapan nila kapag makita kong tumingin sila sa akin.

Umusod ako sa tabi ni Aileen at sumandal dito, napalingon siya sa akin ngunit hindi nagsalita at umayos lang ng upo para mas maging komportable ako. May inabot siya sa tabi nila Eron na beer in can at agad na inabot sa akin.

“H’wag kang magmukmok, iinom mo ‘yan.” my lips pursed and rolled my eyes.

Bad influence talaga, nakita ko na ‘yon kanina pero hindi ako kumuha. Ayokong malasing baka bigla akong magsabog ng lagim, nakakahiya.

Saktong pagbukas ko ‘non ay siyang pagtapat ng tingin ko sa dalawang lalaking naglalakad na palapit sa amin. Wearing a shirt and khaki pants, si Dalton ay naka jogger kaya naman muntikan kong maibuga ang iniinom ng tumapat ang mata sa pagitan ng hita niya.

“Oh, ‘yan na pala mga lover boy mo.” she whispered at me and giggled.

Natungga ko ng ‘di oras ang beer na hawak ng hindi inaalis ang tingin kila Dalton at Zillex. Natanggap ba ako ng kurot kay Aileen ng makita ang pagtitig ko sa dalawa na naupo na'rin.

Bakit parang mas lalo pa silang gumwapo sa paningin ko?

Parang umakyat ang puso ko sa lalamunan ng magtama ang paningin namin ni Dalton. His deep blue eyes were dark and stoic. But before I could drown in that gaze of his, he quickly looked away.

I touched my chest and felt the fast but painful beat of it. I still want to gaze into their eyes but it seems like they deliberately avoid it.

I bit my lower lip and sighed. I want to call him so I could stare at his eyes, I want to stare at it until my eyes hurt. I’m tempted to get close to them, but I know how much they hate my presence. They seem too close but I cannot hold them.

Only if they know how much I regret letting them go. Now they are completely out of my reach.

“Baka malusaw, hinay hinay lang.” natatawang wika ni Aileen at itinaklob ang hood ng jacket ko sa aking mukha.

Suminghap ako at tinanggal ‘yon bago sinamaan siya ng tingin, ngunit ng makita ko ang pagseryoso ng mukha niya ay natigilan na ako.

“I miss them,” I murmured.

Their Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon