They had a child.
May anak sila. Kainino? Kay Monica ba? Pero bakit imbis na ang babaeng ‘yon ang pakasalanan nila ay ako pa? Are they planning to make me their mistress?
Gusto pa ba nilang mas lalong gumulo ang mundo ko? their child needs a complete family. At nasasaktan akong hadlangan ‘yon dahil lang sa kagustuhan nilang malaman ang lahat.
Hindi ba nila alam na masasaktan ang bata sa ginagawa nila?
Pero bakit parang ang aga naman? apat na taon palang ang lumipas pero ang anak nila ay nasa tatlo o apat na taon na.
Does that mean that they have her while they in relationship with me?
With whom? Kay Monica?
Mas lalong sumakit ang ulo ko sa daming tumatakbong tanong na hindi ko alam kung masasagot ba. The girl looks like Zillex little version, sa babaeng kaanyuan.
Kahit na ga’non ay wala akong nararamdaman na kahit ano sa bata maliban sa sobrang gaan ng loob ko. Unang tingin ko palang sa kanya pakiramdam ko ay may koneksyon akong naramdaman.
Dahil ba anak siya ni Zillex?
Hindi ko alam.. naguguluhan na ako. Malabong maging anak ko ang bata dahil wala akong naaalalang nagbuntis ako at lalo ang manganak.
Nasapo ko ang ulo habang nakaupo sa aking desk, pinoproseso pa'rin ang nangyari.
Masyado na talagang huli ang lahat para sa aming tatlo. Masyado ng huli para buoin ang dating nasirang relasyon.
Lutang ako sa rebelasyong nangyari na kahit sungitan ako ng dalawa ay hindi nawaglit ang isip ko ang nakita kanina.
Panay ang sulyap ko sa bata may kung anong hinahanap, ngunit hindi ko nakita. She looked so young, siguro ay tatlong taon nga lang.
Ilang beses nitong sinubukan magpunta at manggulo sa akin ngunit ilan beses din siyang pinigilan ng dalawang ama na parang ayaw talagang ilapit sa akin.
Mas lalong nadagdagan ang sama ng loob ko. Kaya kahit ang pag-uwi ay hindi ko na nagawang magpaalam na palagi ko namang ginagawa.
Pag-uwi ko sa hapon ay naabutan ko si Declan sa labas na ikinagulat ko. Ilang araw na'rin simula ng huli kaming magkausap na dalawa at tungkol pa ‘yon sa trabaho.
“How are you?” he asked gently.
Sa paraan ng pagtitig niya ay tila may kung ano siyang hinahanap sa mukha ko kaya hindi ko mapigilang ngumiti. Hindi na naman niya maiwasang maging psychiatrist kapag kaharap ako. Hilig niya talagang alamin ang saloobin ko sa pamamagitan lang ng pagtingin sa akin.
“Hm.. I’m okay, Doc.” pabiro kong sagot kaya nakatanggap ako ng talim ng titig niya mula sa likod ng kaniyang salamin.
“I told you, call me Declan. Stop the formality, Adee.” he said still throwing a glare on me.
Napanguso ako sa naging tawag niya sa akin, Faith ang pakilala ko pero mas gusto niya yatang tawagin ako sa second name ko. Hindi ko tuloy maiwasang maalala sila Zillex at Dalton dahil ‘yon din ang tawag nila sa akin.
“I’m just kidding. Bakit ka nga pala nandito?” taka kong tanong, mukha pa siyang galing sa trabaho dahil naka dress shirt pa siya na bahagyang magulo.
“Para dalawin ka, bawal ba?” seryoso niyang sabi wala man lang emosyon kaya napalabi ako.
Pasimple ko siyang inirapan pero mukhang nakita niya base sa pagtaas ng kilay niya kaya natawa na ako. “Pasok ka muna, malamig sa labas.” anyaya ko pero mabilis siyang umiling.
BINABASA MO ANG
Their Unrequited Love
DragosteA spoiled brat Faith Adee Zcheinder is known as a party girl and a chick girl magnet. She can get anything she wants, even boys in their university. But a college boy named Dalton came into the picture. A cold and mysterious man that has his own wo...