Kabanata 23

1.9K 26 1
                                    

WARNING SPG R-18; don't report me (MATURED CONTENT: PLEASE SKIP THIS PART IF YOU'RE NOT OPEN MINDED) babasahin pa'rin nila yieee, seryoso bawal sa bata may cctv makikita kayo.





We decided to dive just near the shore, suot ang life vest ay lumangoy ako papunta sa rock formations na kanina pa nakukuha ang atensyon ko. Kayang akyatin ‘yon, ngunit ayokong i-try dahil baka bigla pa akong madulas.

Tinanggal ko ang vest na suot at nagpasyang sumisid. Hinubad ko ang top at shorts ko, sinadya kong nagsuot ng two piece sa ilalim dahil alam kong hindi ko mapipigilan mag dive.

Huminga ako malalim bago sumisid sa ilalim. Hindi ga’non kalalim ang parte ng pinaglanguyan ko kaya naabot ko hanggang sa may ibaba.

Sinadya ko talagang hindi sumama sa kanila, pero nagpaalam muna ako kay Aileen bago ako tumungo dito. Ayoko namang mag-alala sila sa akin.

Umaahon lang ako kapag kinakapos na ako ng hininga at muling sisisid. Kaya ng napagod ay agad akong umahon para makapagpahinga saglit. Hindi ga’non kasakit sa balat ang init ng araw, dahil sa malaking tipak ng bato at natatakpan ang bahagi kung saan ako nakahinga kaya naman malamig sa pakiramdam ang buhangin na kinahihigan ko.

Pinikit ko ang mata at pinahinga ang isip. I almost have a panic attack earlier, mabuti at mabilis kong naikalma ang sarili. Hindi nila puwedeng makita ‘yon. No one knows about it even my cousins. I hide it from them.

Sa loob ng halos dekada hindi ko malaman kung bakit bigla kong muling naramdaman ‘yon. Hindi ko ‘man aminin ngunit natakot ako, ayokong bumalik ang sakit ko.

It is because of what happened earlier? o dahil sa dami ng nangyayari sa akin ngayon?

Hindi ko alam, hindi naman basta bastang babalik ‘yon ng dahil lang sa nangyari kanina. Mababaw na dahilan para bigla nalang akong atakihin.

I need to visit my psychiatrist. Hindi puwedeng malaman nila Dad ‘to, ayokong mag panic sila. Ayokong bumalik ang dating lagi silang paranoid tuwing naiiwan akong mag-isa.

Napadilat ako ng makarinig ng yapak, bago pa ako makabangon ay naupo na silang dalawa sa tabi ko. Mabilis na kumalabog ang puso ko na lagi naman nangyayari tuwing malapit sila sa akin.

“What.. what are you doing here?” muntikan ko ng kaltukan ang sarili ng magmukhang ayaw ko silang nandito dahil sa tanong ko.

“Why? isn't it bawal?”

Muntikan na akong mabulunan sa sariling laway sa naging sagot ni Zillex. Seryoso ‘yon at lalaking lalaki ang boses niya ngunit parang lumambot ‘yon sa conyo niyang salita.

“H-Hindi!” halos pumiyok ako sa pagsagot agad sa kanya.

Bumangon na ako at hinarap silang dalawa. “G-Galit kayo sa akin?” mahina kong tanong.

Hindi ko alam kung bakit lumabas sa bibig ko ‘yon pero wala na akong balak pang bawiin ang nasabi.

“What do you think?” pabalik na tanong ni Dalton habang madilim na nakatingin sa akin kaya napalunok ako.

“Galit kayo..” napahinga ako ng malalim at napayuko.

Hindi sila nagsalita at nanatili ang tingin sa harapan namin kaya muli akong napasinghap.

Their Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon