Special Chapter

949 22 4
                                    

A light came from the window makes my eyes squint a bit. Gumuhit ang matamis na ngiti sa aking labi at tuluyan ng iminulat ang mata. Marahan akong bumangon at inilibot ang paningin sa paligid habang hinahagod ang magulong buhok.

Bumaba ako sa kama at isinuot ang nakahandang sapin pang-paa r’on at dumiretso sa banyo upang maghilamos. Masyadong tahimik ang paligid kaya hindi ko alam kung nas'an sila.

Matapos ayusan ang sarili ay nagawa ko naring bumaba para hanapin sila Dalton. Ng tumingin ako sa orasan kanina bago bumaba ay pasado alas-otso palang ng umaga kaya malamang kung hindi sa bakuran ay sa dalampasigan ko sila matatagpuan.

I yawned and rubbed my eyes while taking my way to our backyard. A faint sound of laughter brought a sudden smile on my lips.

“Daddy! no, ayoko na!” he giggled as his chuckling father lifted him again in the air.

Mas lalong lumawak ang ngiting nakapaskil sa aking labi habang tanaw sila mula sa kinatatayuan ko. They were both topless and busy making our son happy. My daughter Ember was lying comfortably on the sun lounger while holding a small book on her hand.

“Ayan na ko!” the rumbles of another laughter snitch my eyes from Ember.

Napailing nalang ako ng maabutang naghahabulan na ang tatlo sa pangunguna ni Zillex. I couldn't still believed he has this so many hot tattoos. Sinabi naman niya na nagpalagay lang siya nitong mga panahong wala akong memorya at paniguradong nadagdagan sa ilang taon kong pagkawala sa piling nila.

He looks hot though. That tattoos only ads to his looks. Mas mukha siyang naging hot daddy sa paningin ko.

Kinagat ko ang labi at tinapik ang pisngi ng may maalala.

“Tama na ‘yan. Umagang umaga nagpapabasa kayo sa pawis.” I crunches my nose as I walk near to them.

My daughter was the first to notice me and she smiled before she got up to give me a kiss.

“Morning Mom,”

“Morning sweety,” I said back and went to his father who's already smiling cheekily.

“Morning! kiss ko?” he said, pouting his lips.

Malambing ko ‘yong pinatakan na ikinangiti niya ng malaki. Napailing nalang ako bago tumungo pa sa isa na seryoso lang kaming pinapanood ngunit may kinang ng saya sa mga mata.

“Morning,” he said huskily and kissed my lips.

Ngumiti ako at yumakap na sa bewang nito bago tinanaw si Zillex na hinuhuli ang pangalawang bulilit namin para ilapit sa akin.

“Hi ‘my, Morning po,” bati ni Lexton at humalik sa aking pisngi.

Mabilis akong humiwalay sa pagkakayakap kay Dalton para buhatin ito. May kung anong humaplos sa akin ng yumakap ito pabalik at hinilig ang ulo sa aking balikat.

“Pinaghanda ka na namin ng breakfast, tara?”

Katulad dati hanggang ngayon. Hindi sila nagsisimulang kumain ng umagahan hangga't hindi pa ako gising, maliban sa dalawa naming chikiting na mabilis magutom kaya nauuna na.

Lexton was already four years old. And our Ember was already sixteen. Kay bilis ng panahon. I’m almost in my age of forty. Pero ang dalawa hindi yata papaawat at gusto pang mag sunod ng isa pang bulilit.

Hindi naman kase halata sa dalawa ang pagtanda. They aged like a fine wine. Kaya hindi talaga ako magtataka na kahit na nasa kalahati na sila ng forty hindi pa'rin kayang mag paawat sa labanan.

Their Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon