Prologue

320 17 41
                                    

Open window, blasting stereo music tapos sagad natin sa 100 KPH ang takbo. Wala naman nang manghuhuli dahil magmamadaling-araw na.

"Ano Kitkat? Game?!"

Hinimas ko ang dashboard ng pulang Vios ko, si Kitkat. Itinodo ko na ang volume ng stereo na kumakanta ng hit single ng Spongecola.

Ibinaba ko ang mga bintana habang sumasabay sa vocals ni Yael. 

"Ano'ng na-darama..."

Nililipad ng hangin ang maiksing buhok ko, but I don't mind. Kahit pa humampas-hampas sa pisngi ko ang buhok ko at matakpan nito ang mga mata ko, I don't mind. Magda-drive lang ako hanggang mapagod ako. Inapakan ko pa ang gas, tumunog si Kitkat na parang naghahamon na ng karera.

Shit!120 na pala ang takbo ko!

Pero gusto ko pang bilisan. I like this kind of thrill. I love this kind of thrill lalo na sa mga gabing ganito, sa mga gabing ayaw ako patulugin ng utak ko.

Isinisigaw ko na ang lyrics ng kanta.

Wala na akong pakialam kahit pa pumiyok ako, basta maisigaw ko ang bawat salita. 140 KPH... 160 KPH.

"Kitkat, hataw na hataw, ah?!"

Parang baliw akong pinupuri ang sarili kong sasakyan. Okay na sana ang roadtrip ko, pero bigla na lang kumalam ang tiyan ko.

"Shit! Wala pa pala akong dinner," natatawa kong bulong sa sarili habang unti-unting bumabagal ang takbo.

No choice. Exit na muna ako sa Southwoods para makakain. Ayoko nang magka-ulcer ulit at baka kung anu-ano na namang herbal soup ang ipadala ni kuya Spence. I shook my head and sticked my tongue out nang bigla kong maalala ang lasa ng mga 'yon.

Ugh! Ayoko na ng seaweed soup niya!

Ipinarada ko si Kitkat sa harap ng Jollibee. Isinara ko na ang mga bintana. I was about about to take off my seatbelt when two uniformed enforcers approached my car. Marahang kinatok ng isa ang bintana sa driver's seat.

Shit! Stephanie...

Huminga ako nang malalim. I put my game face on. Puppy eyes, cute smile, paawa face... 3,2,1. Then I opened the window.

"Good eve... ay, good morning po, Chief!" inunahan ko na ng bati ang dalawang enforcer.

"Magandang umaga rin, Miss... ah, napansin ho namin na ang bilis ng patakbo mo. Kanina ka pa namin binubusinahan sa SLEX, pero parang wala kang naririnig," mahinahong sagot ng naka-sombrerong enforcer.

Ngumiti ako sa kaniya. "Chief pasensya na... may hinahabol po kasi ako..."

"Tsk! Lumang tugtugin na yan, Ma'am... may violation kayo. Overspeeding ka. Reckless driving 'yan!" sabat ng mas matandang enforcer.

"Chief, may hinahabol po kasi talaga ako... kaya nagmamadali ako."

Yumuko ako at nagkunwaring sumisinghot-singhot.

"Yan, iiyakan na tayo niyan!" naiinis pa niyang komento.

Nag-angat ako ng tingin sa kanila. Pero mas tinitigan ko 'yong isa. 'Yong may suot na sombrero. Hindi ako umiimik at dinadaan ko lang siya sa mata-mata acting ko. Kaya ko 'to, maaawa 'to. Wala na akong pampadulas dito dahil pangkain ko na lang ang laman ng wallet ko.

"Miss, lisensya na lang po..." utos niya.

Pucha naman! Hindi umepekto ang puppy eyes ko!

Nagpalinga-linga muna ako bago ko ilabas ang pitaka ko.

"Chief... baka p'wede naman makiusap sa inyo... may hinahabol lang talaga ako dito sa Southwoods." Dinagdagan ko pa ng kaunting hinhin ang boses ko.

Reckless RomancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon