Chapter 16 - Sky

81 9 55
                                    

"K-Kuya Spence, ano'ng ginagawa niyo rito?" pautal-utal kong tanong kasabay ng paglabas ko sa elevator.

Mabilis ko lang siyang sinulyapan at yumuko rin agad ako. Hindi ko siya kayang titigan pagkatapos niyang makita ang halikan namin ni Gabriel kanina. Mas lalong hindi ko kayang tignan man lang si Jasper na tahimik na nakatayo sa gilid ni Kuya. Nakatikom ang bibig niya at nakakuyom ang kaliwang kamay.

"Akala ko nahimatay ka, Mei-mei?! That's what he texted me." Nilingon ni Kuya si Gabriel na nasa likuran ko. "Tapos makikita ko kayong dalawa na nag—"

"Kanina!" mabilis kong sagot. Hindi ko na hinintay pang matapos ni Kuya ang sasabihin niya.

"Nahimatay ako kanina, Kuya... pero okay na ako ngayon," dagdag ko.

"Obvious nga!" nakangising komento ni Kuya.

"Okay ka na, Ma'am Steph?"

Nagulat ako sa baritonong boses ni Jasper. Mahina lang ang tanong niya, pero lahat kami ay napalingon sa kaniya. I looked at his black, rounded eyes, and I noticed that his pupils were dilated. He was shocked. Sino ba namang hindi magugulat do'n?

"Y-Yes, Jasper, okay na ako," tipid kong sagot.

"Buti naman," mabagal niyang tugon.

Isang pilit na ngiti ang gumuhit sa mukha niya. Walang nakalabas ang mga dimples na madalas bumibida kapag nakangiti siya. Dahan-dahan siyang tumalikod at saka naglakad palayo sa amin.

Should I follow him? Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanatiling nakapako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. 

May dapat ba akong sabihin sa kaniya? Should I say sorry?

"Follow him." Napasinghap ako nang marinig ang utos ni Gabriel.

"Ayokong isipin niya na ginusto mo 'yong nangyari kanina," bulong niya. I gave him a quick glance and saw guilt in his eyes. Parang sising-sisi siya na tinanggap niya ang halik ko kanina.

"Hindi mo gusto 'yong kanina... hindi ko rin gusto 'yon," seryosong saad niya.

I felt a pang on my chest. Hindi niya gusto? What the fuck?! Parang biglang namawis ang mga palad ko at biglang nanuyo ang lalamunan ko. Nang mga sandaling 'yon, parang gusto ko na lang lamunin ng elevator dahil sa kahihiyan.

Tumakbo ako para habulin si Jasper na papasok na sa fire exit. Hindi ko na pinansin ang pagtawag sa akin ni Kuya at hindi ko na rin nilingon pa si Gabriel.

***

Akala ko hindi ko na maaabutan si Jasper dahil bukod sa mahaba ang mga biyas niya, mabilis din ang paglakad niya kanina.

"Jas-per!" hinihingal kong tawag sa kaniya.

Napahinto siya bago pa siya tumapak  sa pangalawang baitang ng hagdan. Inabot ko ng kaliwang kamay ko ang braso niya, habang ang kanan ko naman ay napahawak sa dibdib ko para pigilan ang pagtaas-baba nito. Napatingin ang mga namimilog niyang mata sa braso niyang mahigpit ang pagkakahawak ko.

"Steph... uuwi na ako." Nanginginig nang kaunti ang boses niya at nag-iwas siya ng tingin sa akin. Halatang ayaw niya akong kausapin. "Okay ka na 'di ba? Uuwi na ako." Mabilis niya akong sinulyapan at saka marahang tinanggal ang kamay ko sa braso niya.

"Sorry. S-Sorry sa nakita mo kanina, Jasper." Inalis ko ang kamay ko sa dibdib ko kasabay ng malalim na pagbuntong-hininga.

He ruffled his hair and smiled bitterly. Mukha siyang pinagbagsakan ng langit. Pinipilit niyang ngumiti pero alam kong nasaktan ko siya. Dahan-dahan siyang umupo sa baitang ng hagdan. Umupo rin ako sa tabi niya, pero hinayaan ko ang ilang dangkal na puwang sa pagitan naming dalawa.

Reckless RomancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon