Chapter 13 - Game

76 9 53
                                    

"Sino ka ba talaga?" Inulit ko ang tanong ko kay Gabriel. Mas nilakasan ko pa ang boses ko. At kahit halos hindi pa ako nakakahinga dahil sa pinagsaluhan naming halik, hindi ako nag-iwas ng tingin sa kaniya.

Nanunubig ang mga singkit niyang mata. Malungkot ang mga iyon at namumungay, pero may papausbong na ngiti sa gilid ng mga labi niya. 

He looks happy, but at the same time he looks like he's in pain.

Nakagat ko ba ang labi niya... o ang dila niya kanina?

Gusto kong i-check ang bibig niya, kaso ayoko nang hawakan ang mukha niya. Ayoko nang lumapit sa mukha niya at baka ma-magnet na naman ako ng mga labi niya.

Tumingala siya saglit at nagpunas ng mga mata. Nawala na sa panigin ko ang mga labi niya, napalitan naman 'yon ng adam's apple niya. I saw him gulp. Mabilis na gumalaw ang adam's apple niya. Napalunok din ako dahil doon.

Shit! Bakit ba ganito ang epekto mo sa akin Gabriel?

Narinig ko ang bahagyang pag-ubo niya na nagpabalik ng ulirat ko.

Muli niya akong sinulyapan. Wala na agad ang lungkot sa mga mata niya. Napalitan na 'yon ng mapaghamon niyang titig.

"Gano'n ba kasarap ang kiss ko at nakalimutan mo na agad ang pangalan ko?" nakangisi niyang tanong.

"Hmmn, Stephanie?" Ipinaling niya ang ulo niya. Itinaas niya pa ang mga kilay niya at saka humalukipkip.

Seryoso ba siya sa tanong niya?

"Lasang bawang! Hindi masarap!" mariin kong sagot na sinabayan ko pa ng pag-irap.

Narinig ko ang bungisngis ni Gabriel, pero hindi ko 'yon pinansin. Napapikit ako kasabay nang mabilis kong pagtalikod sa kaniya. Hindi dahil sa kaunting kirot na naramdaman ko sa kaliwang paa ko kasabay ng mabilis kong pagpihit, kung hindi dahil sa kasinungalingang sinabi ko. 

I obviously enjoyed that kiss... we both did.

Tuloy-tuloy akong nagmartsa palayo sa kaniya. Kailangan kong makalayo sa kaniya dahil unti-unti nang bumibilis ang tibok ng puso ko. Pinagpapawisan na rin ang kili-kili ko kahit kaliligo ko lang. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko pero napahinto agad ako nang biglang kumirot ang sentido ko.

It was a sharp sudden pain that muted all the noise around me.

Ang kaninang nanghihina kong mga tuhod dahil sa halik ni Gabriel ay tuluyan nang tumiklop dahil sa sakit ng ulo ko. Napaupo ako sa sahig. Nakita ko si Coco na tumatahol sa harap ko, pero hindi ko siya naririnig.

Sumulpot si Gabriel sa harap ng mukha ko. Sumisigaw siya—natataranta. Nararamdaman ko ang mga kamay niya sa balikat ko na ilang ulit akong inaalog. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya habang tinatawag ang pangalan ko, pero hindi ko siya naririnig. Wala akong marinig, wala rin akong maramdaman... parang biglang namanhid ang buong katawan ko hanggang sa wala na rin akong nakita.

"We won the game, first place! Now... where's my prize?"

Narinig ko ang boses ko. I was so happy talking to someone—a boy? Is it the faceless boy?

"Close your eyes, Maxine."

I did. I closed my eyes slowly. Then I felt his soft lips against mine. The boy kissed me gently... so tender... so careful.

"How's that for our first kiss, love?"

Love?

Maxine?

Was this a dream or a memory? Why does it feels like both?

***

Reckless RomancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon