Chapter 17 - Reckless

104 10 56
                                    

Warning: this chapter contains sexual scenes. These scenes are intended for plot progression and to enhance character development.

Malakas ang buhos ng ulan, pero nakatayo pa rin kami ni Gabriel sa lugar kung saan siya nag-propose sa akin six years ago. Mahigpit ang hawak niya sa mga kamay ko habang sabay kaming lumuluha. Hindi pa lubusang malinaw sa akin kung bakit nauwi kami sa ganito. Kung paano kami nagkahiwalay, kung ano'ng kinuha sa amin ng aksidente at kung ano'ng kinuha sa akin ng anim na taon.

"A-Ano'ng nang-ya-ri sa a-tin?" paputol-putol kong tanong kasabay ng paghikbi.

Isang mapait na ngiti ang umusbong sa mga labi niya. Binitawan niya ang mga kamay ko at ikinulong niya ang pisngi ko sa mga palad niya.

"Maraming nangyari, Maxine... marami ring hindi." Nanginingig ang boses niya. "Puwede ba tayong bumalik sa dati?"

I felt his warm breath against my cheeks. Pinainit ng tanong niya ang pisngi ko. Pinabilis din no'n ang tibok ng pusok ko na para bang tatalon na ito palabas ng dibdib ko.

"Paano ako babalik kung hindi ko alam kung ano ang babalikan ko?" malungkot kong sambit.

Marahan niyang idinikit ang noo niya sa noo ko. "Ipapaalala ko sa'yo," he whispered and then he planted a feathery delicate kiss on my forehead.

Napapikit ako sa ginawa niya. Matagal nanatili ang nanginginig niyang mga labi sa noo ko. Rinig na rinig ko ang bawat paghikbi niya at ang pagsinghot niya. Hindi pa rin napapatid ang mga luha ko, pero unti-unti nang bumabagal ang tibok ng puso ko. Napakalma ng halik niya ang nagwawala kong puso.

Basang basa na ako ng ulan pero hindi ako nilalamig, mas ramdam ko ang init ng labi ni Gabriel sa noo ko at ang init ng mga palad niya sa magkabilang pisngi ko. Isinampay ko ang mga nanlalambot kong braso sa leeg niya at awtomatikong bumaba ang kamay niya mula sa pisngi ko papunta sa baywang ko. Inilipat niya ang halik niya sa mga labi kong nag-uumpisa nang mangatal.

"Nilalamig ka na... bumaba na tayo, Maxine," bulong niya habang inilalayo ang mukha niya sa akin.

"M-Malamig na ang lips mo," nakangiting komento niya. Inalis ko ang mga kamay ko sa leeg niya at wala sa sariling napahawak sa mga labi ko. Basa ang mga ito, hindi ko alam kung dahil sa halik ni Gabriel o dahil sa ulan.

Pagbalik namin sa sasakyan, agad inabot kay Gabriel ng tauhan nila ang dalawang kulay puting towel. Isinampay niya sa balikat ko ang isa at ang isa naman na dapat ay para na sa kaniya ay ipinandong niya sa ulo ko. Marahan niyang ipinunas 'yon sa maiksing buhok ko.

Pinapanood ko lang siya habang ginagawa 'yon, nakatitig sa mga namumungay at singkit niyang mga mata. Pinapayungan kami ng tauhan niya at naririnig ko ang impit na hagikgik nito.

"Jaime, naririnig kita..." pananakot ni Gabriel.

"S-Sorry boss!"

Tahimik lang akong nakaupo habang bumabyahe kami. Nakakumot sa akin ang towel at kitang-kita ko sa bintana ang malakas na buhos ng ulan.

"Hindi tayo makakalipad pabalik ng Maynila mamaya kung ganito kalakas ang ulan," saad ni Gabriel habang nakatingin sa kalsada. Sinulyapan niya ako at napansin kong napatitig siya sa mga labi ko. "Nilalamig ka pa?" tanong niya.

Nakahalukipkip siya, malamang siya ang nilalamig.

"Hindi na. Okay na ako." Isang tipid na ngiti ang ibinalik ko sa kaniya.

***

Madilim na nang huminto ang sasakyan sa parking lot ng isang hotel. Hindi pa man kami nakakababa ni Gabriel, nakaabang na agad sa labas ang dalawang empleyado ng hotel; nakauniporme ng pula at may tag-isang payong. Inalis ko ang towel sa balikat ko at itinupi ito.

Reckless RomancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon