Chapter 25 - Nightmare

61 9 34
                                    

Na'ndito na naman ako sa lumang bahay, walang ibang gamit maliban sa nag-iisang sofa rito sa sala. May hagdang kahoy paakyat sa second floor. Madilim ang buong paligid na iniilawan lang ng kandilang nakatayo sa sahig. Malakas ang ulan sa labas na sinasabayan pa ng nangangalit na kulog at kidlat. Pero wala na yatang mas titindi pa sa galit ni Gabriel na paulit-ulit sinusuntok ang nakangising mukha ng tatay niya. Na'ndito na naman ako sa bangungot ko.

"Hayop ka! Pati ba naman si Maxine?!... Papatayin kita!"

Para akong estatwa na pinapanood lang siya habang binubugbog ang sariling amang nakahiga na sa sahig. Malakas ang paghikbi ko, pero hindi nila ako naririnig.

"W-Why are you so f-furious, son?"

Kahit sa alaala lang ay nakakapangilabot pa rin ang ngiti sa gilid ng duguang labi ng hayop na lalaking sumira sa pagkatao ko.

Tinutukan siya ni Gabriel ng Swiss knife sa leeg. Napapikit siya dahil doon.

"She's my fiancée!"

Umalingawngaw sa madilim na silid ang boses ni Gabriel. Mas diniin niya ang talim ng kutsilyo, pero hindi niya naituloy ang balak niya dahil may humila sa braso niya—ako.

It was me—the old, coward version of me. The eighteen years old Stephanie stopped her fiancé from killing the man that broke her. I watched her beg for the life of the man she loathe.

"Gabriel, no! H-He's still your father... ayokong makulong ka! Think about your future, please!"

Humahagulgol ang mas batang ako. Awang-awa ako sa kaniya. Kung alam lang niya ang mga pagdadaanan niya pagkatapos ng gabing ito, aawatin pa rin kaya niya ang lalaking mahal niya?

Ngunit bigo siyang tuluyang pigilan si Gabriel. Pinahalik pa rin ni Gabriel ang talim ng kutsilyo sa pisngi ng sarili niyang ama.

"Ngayon alam ko na... kung bakit mas pinili mong kalimutan na lang ito," bulong ko sa sarili ko bago ako nagising sa bangungot ko.

***

Naramdaman ko sa likod ko ang malambot na kamang hinihigaan ko. Bahagya pa akong nasilaw sa mga ilaw ng kuwartong hindi ko kilala. Kulay gray ang kisame at hindi puti na kagaya ng sa kuwarto ko. Black naman ang quilted bedsheets na amoy pabango ng lalaki.

Nawalan na naman ba ako ng malay dahil sa nalaman ko. No. Matagal ko nang alam iyon—hindi ko lang matanggap. That's why my fucking brain decided to forget everything about it.

I slowly inhaled and exhaled as I collect myself. Mabagal kong minasahe ang noo ko habang dahan-dahan akong bumabangon sa kama. Nasa penthouse ako ni Hunter, iyon ang huling natatandaan ko.

Kuwarto niya siguro 'to...

Pipihitin ko na sana ang doorknob, pero natigilan ako nang marinig ko si Gabriel.

"Tang ina, Hunter! Sinabi mo kay Maxine?!"

Napaatras ako dahil sa malakas niyang sigaw. Boses niya pa lang ang naririnig ko pero halos tumagos na sa pinto ang tensyong namumuo sa labas ng kuwarto. Sigurado akong galit na galit siya sa ginawa ng pinsan niya.

"Nasa'n siya?!"

Hunter was silent and that's making it worse. Mas lalo lang lalala ang sitwasyon kung hindi siya magsasalita.

"Where is she, Hunter?!"

"S-Sa kuwarto ko. She collapsed right after she—"

Hindi ko na hinintay ang susunod na sasabihin ni Gabriel dahil natatakot akong mauna ang kamao niya at masaktan niya si Hunter. Agad kong binuksan ang pinto kasabay ng pagbuga ko ng hangin.

Reckless RomancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon