Chapter 20 - Maxine

88 10 38
                                    

Hindi puwedeng mangyari 'to! I can't lose her again! Not after everything that happened today. No fucking way! Naaalala niya na ako. Hindi ako papayag na makalimutan niya ulit ako. Not after I kissed her again, not after I hugged her and made love to her again... hindi ako papayag!

Nakakulong sa nakakuyom kong palad ang cellphone ko habang tumatakbo ako pabalik ng chopper. Nabasa ko ang sagot ni Maxine kay Amber... sa kasinungalingan ni Amber. Imposibleng mabuntis ko ang babaeng 'yon! We never had sex! Panigurado akong alam niyang magkasama kami ni Maxine kaya gumagawa siya ng iskandalo.

"Sir, delikado po kung magpapalipad kayo. Medyo malakas pa rin ang ulan," panay ang awat sa akin ni Jaime. Kulang na lang ay kumapit siya sa pajamang suot ko para pigilan ang pagsampa ko sa chopper.

"Kaya ko Jaime!" sigaw ko sa kaniya nang makapasok na sa cockpit ng chopper ko. "Hindi sana ako nakagraduate sa flight school kung hindi ko kayang paliparin 'to sa ganyang ulan!" singhal ko.

"Eh, Sir, kumikidlat po!"

Ang mukhang berdugong si Jaime ay parang batang hinihigit ang madulas na manggas ng pajamang suot ko. Gusto kong matawa pero nangingibaw ang inis ko kay Amber at ang pag-aalala ko kay Maxine.

Marahas kong tinanggal ang kamay niya sa manggas ko.

"Tamaan na ng lintik kung tatamaan! Basta uuwi ako ng Maynila ngayong gabi!" Napababa siya sa chopper ng malakas kong bulyaw sa kaniya.

***

I made it to Manila in one piece—wearing my royal blue silk pajamas, barefooted. Nakangisi si Hunter nang salubungin niya ako. At kahit gusto ko siyang sapakin dahil sa nakakabanas niyang ngiti, tinitigan ko na lang siya nang masama.

"Ano'ng nangyari sa'yo, Gabriel?" Pinasadahan niya ng tingin ang itsura ko habang nagmamaneho at saka impit na humagikgik.

"Subukan mo lang ibuga 'yang tawa mo, manghihiram ka talaga ng mukha sa aso!" pagbabanta ko sa kaniya.

"Grabe! After all my efforts." Napakamot siya sa kilay niyang may hiwa. "I let you park your chopper on my lot, booked you the presidential suite at my hotel—"

"Hindi mo 'yon hotel! Sa mga magulang mo, gago!"

Panay ang hampas ni Hunter sa manibela dahil sa hindi niya maubos-ubos na tawa.

Hindi ko na yata kayang magtimpi sa pinsan kong 'to! Sinubukan kong agawin ang manibela sa kaniya. Gumewang ang sasakyan.

Napamura siya sa gulat at kaba.

"Tang ina, Gabriel! Mamamatay tayo sa ginagawa mo eh!"

I exhaled sharply to calm myself. Sumandal ako sa passenger seat at saka paulit-ulit na minasahe ang noo ko.

"Bakit ba ang init ng ulo mo? Hindi ba kayo nag-usap ni Maxine... ang ganda ng pina-set up ko do'n ha!"

Hindi na ako sumagot sa tanong niya. Itinuon ko ang pansin ko sa pagpapakalma ng sarili ko. Naka-focus si Hunter sa kalsada pero nakikita ko pa rin sa peripheral vision ko ang nakakabadtrip na ngiti sa mukha niya.

"So... hindi kayo nag-usap?" May bahid ng pang-aasar ang tono niya.

"Nag-usap!"

"Usap lang?"

Uminit ang mukha ko sa malisyosong tanong ni Hunter. Suddenly images of Maxine's lips kissing mine flashed my mind. Napapikit ako nang parang bigla kong narinig ang halinghing ni Maxine. I swallowed hard to stop the train of memories.

Tumikhim ako. "Okay na sana Hunter eh... panira lang talaga si Amber." Napailing na lang ako habang paulit-ulit na tinatapik ni Hunter ang kaliwang balikat ko. That was probably his way to comfort me.

Reckless RomancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon