Chapter 3 - Again

134 11 60
                                    

Japoy... si Jasper si Japoy?

Napatayo ako sa kinauupuan ko at agad akong tumakbo papunta sa bathroom. Naramdaman kong nakasunod sa akin ng tingin si Jasper, pero hindi ko 'yon pinansin. Dumiretso ako sa lababo. I turned the faucet on. Hinayaan kong umagos ang tubig habang pinupunasan ko ang mga luha ko.

"Fuck! Stephanie! Stop crying!"

Kahit anong pagalit ko sa sarili ko, tuloy pa rin ang pagbagsak ng mga luha ko. Naghilamos ako at ilang beses pang suminga. I inhaled and exhaled slowly. Hinawakan ko ang dibdib ko at naramdaman ko ang mabilis na pagkabog nito.

Again, Stephanie. Inhale. Exhale... Again.

Paulit-ulit kong pinakalma ang sarili ko hanggang sa nakaya ko nang ngitian ang salamin sa harap ko.

"You're okay, Stephanie... tapos na 'yon," mahinang bulong ko habang nakatitig sa sarili kong mukha sa salamin na may pilit na ngiti.

Marahan akong lumabas ng banyo. Nakaupo pa rin si Japoy—si Jasper pero hindi na siya nakaharap sa lamesa. Nakagilid na ang upuan niya na para bang inaabangan niya talaga ang paglabas ko sa banyo. I quickly brushed my short hair with my hand and then I slowly walked towards him.

"T-Tawagan ka na lang namin, Mr. Perez." Pormal kong banggit sa kaniya. Hinayaan ko ang halos dalawang hakbang na agwat namin sa isa't-isa.

"Mr. Perez?" nagtatakang tanong niya. He stood up and faced me.

Ngayon ko lang napansin na matangkad pala siya. Dati, ako ang mas matangkad sa kaniya.

Umangat nang kaunti ang gilid ng mga labi niya. Yumuko siya nang bahagya para magpantay ang mga mata namin.

"Bakit bigla naman akong naging Mr. Perez? Mak-Mak naman?" Napakamot siya ng ulo niya.

"Please, don't call me that!" Halos mag-echo sa buong café ang boses ko.

"S-Sorry, Ma'am Steph. S-Sorry po... " nauutal niyang sagot. Umatras siya at isinuot na ang bagpack niya.

"G-Gusto mo bang magtrabaho dito sa café, Jasper?" tanong ko habang nakatalikod siya sa akin.

Yumuko ako, nakatitig sa rubber shoes ko. Nakita ko'ng dumikit ang dulo ng black shoes niya sa dulo ng sapatos ko.

He must be staring at me right now.

Pero nanatili lang akong nakayuko. Hindi ko yata kayang salubungin ang tingin niya.

"Gustong-gusto po, Ma'am Steph," sagot niya. Naramdaman ko ang paglabas ng hangin sa bibig niya sa tuktok ng ulo ko.

Umatras ako. Isang hakbang palayo kay Jasper. Saka ako nag-angat ng tingin. He is smiling, nakalabas ang dimples niya pero bakas ko ang lungkot sa mga bilugan niyang mata. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.

"Kung gusto mo talagang magtrabaho rito... hindi mo na ako p'wedeng tawagin sa palayaw na 'yon. Hindi ako si Mak-Mak dito." Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya.

"Walang dapat makaalam ng tungkol sa... ng tungkol doon." I gulped. "Hindi tayo magkakilala. Ito ang unang beses na nagkita tayo, okay?"

Isang pilit na ngiti ang isinagot niya. Bahagya niyang ginulo ang kulot niyang buhok.

"O-Okay po, Ma'am Steph..."

"Puwede ka nang umuwi, Jasper. Tatawagan ka na lang namin..."

"Okay po Ma'am Steph... Nice meeting you po, " mapait niyang paalam sa akin.

***

Hindi ko na liningon pa si Jasper nang makalabas siya ng café. Ayoko na ring isipin ang dahilan niya kung bakit siya nag-apply sa Café Amor. Nagkataon lang ba ang lahat o totoong hinanap niya ako? Kagaya ng sinabi niya kanina—matagal niya akong hinanap

Reckless RomancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon