Chapter 27 - End

64 8 20
                                    

"Steph?... Steph, what do you think?"

Niyugyog ni Li ang braso ko dahilan para mapalingon ako sa kaniya. Hindi ko namalayan na ilang segundo na pala akong nakatulala lang sa screen ng cellphone ko at hindi napapansin ang pagtawag niya sa pangalan ko. Tinititigan ko ang dapat ay huling message ko kay Gabriel five days ago. Hindi ko alam kung bakit nasa draft ko pa rin 'yon, in-uninstall ko naman na ang app na kayang magsend ng mga scheduled messages.

"Ano ba yang tinititigan mo?" Nakakunot ang mga kilay ni Li at nakahawak pa rin siya sa kaliwang braso ko. Sinubukan niyang silipin ang cellphone ko, buti na lang at naitaob ko agad ito.

"Nothing, Li!" I forced a smile on my face. Ibinaling ko ang pansin sa laptop niyang nakabukas sa harap namin.

Kalahating oras na naming nire-review ang profile ng aplikante para sa bagong assistant manager ng Café Amor. Tatlong linggo na lang kasi, aalis na si Li sa café. Siya na ang magiging CEO ng AHG—ang kompanyang naiwan ng daddy niya.

"For initial interview na 'yan, Li. Qualified naman siya eh! Mukhang makakasundo rin namin." Napahikab ako matapos banggitin iyon. Inalis ni Li ang kamay niya sa braso ko at bigla siyang napabungisngis.

"Ako 'tong buntis, pero nakakailang hikab ka na simula pa kanina," natatawang komento niya. Muntik na akong mapaubo dahil doon, pero lumunok na lang ako ng laway para pigilan 'yon.

Hindi ko pa sinasabi kay Li na buntis din ako. Hindi ko pa sinasabi kahit kanino... kahit kay Gabriel. I was planning to keep it a secret from everyone, even though I know that that is impossible. Bahala na. Basta gagawin ko ang lahat para mailayo ang anak ko sa mga 'Maldonado'.

"Nahawa yata ako sa paglilihi mo eh!" nakangiting biro ko kay Li.

"Buti sa paglilihi ka lang nahawa, hindi dito mismo." Hinimas niya ang nakaumbok niyang tiyan habang humahagikgik. Sinabayan ko lang din ang pagtawa niya para hindi niya mahalata ang pagkailang ko.

I wish I could do that to you right now, anak. Gustong-gusto ko ring haplusin ka bawat segundo, pero hindi pa kita puwedeng ipakilala. Promise, babawi si Mama.

***

Hirap na hirap akong pigilan ang sarili kong sumuka habang kinikiliti ang ilong ko ng amoy ng iniinit kong lasagna sa microwave. Kung bakit ba naman kasi iyon pa ang naisipang orderin ng mag-jowa sa Table 5?! Puwede namang carbonara, o pesto pasta!

Ugh! Parang ang tagal ng isang minuto!

"Ma'am Steph, ayos ka lang? Bakit nakatakip ka ng ilong diyan?" sita sa akin ni Gail habang naghuhugas siya ng kamay sa lababo.

"Ah... eh... umutot kasi si Jasper," pabulong kong sagot. Dinamay ko ang walang kamalay-malay na si Jasper na nakangiting nag-aabot ng sukli sa customer sa kabilang dulo ng checkout counter.

"Kadiri naman si Jasper!" Bumusangot ang mukha ni Gail. Agad niyang pinunasan ng paper towel ang mga basa niyang kamay at napatakip din siya ng ilong.

Tumunog na ang microwave. Sa wakas, tapos na ang pagpipigil ko ng hininga! Agad kong inilipat ang lasagna sa tray para i-serve na sa customer. Sinamahan ko na rin ng tissue at dalawang tinidor.

Ramdam ko ang pagsunod ng tingin sa akin ni Jasper habang naglalakad ako papunta sa Table 5. Sanay naman na ako ro'n. Limang araw na simula nang bumalik ako dito sa café, pero ni minsan hindi ko siya kinausap, ni hindi ko nga kayang tignan siya nang lagpas sa sampung segundo.

"Orders complete po," nakangiting bati ko sa magkasintahang magka-holding hands pa sa Table 5.

Maingat kong inilagay ang tray sa ibabaw ng lamesa. Napansin ko ang nakakailang na pagsulyap sa akin ng lalaki.

Reckless RomancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon