Chapter 30 - Heal

54 9 12
                                    

Ginising ako ng tunog ng hampas ng mga alon sa dalampasigan at ng lagaslas ng mga dahon ng niyog. Nag-unat ako saglit ng mga braso at marahan akong tumayo. Binuksan ko ang bintana malapit sa kama at binati ako ng katamtamang init ng araw.

Yumuko ako at malambing kong hinaplos ang tiyan ko, "Good morning, baby!"

Umihip ang hangin, dahilan para dumikit sa dibdib ko ang maluwag na bestidang pantulog ko. Napangiwi ako nang maramdaman ko ang kakaibang sensasyon kila Susie at Susan. Parang ang bigat nila. Hindi ko napigilan ang sarili kong pisil-pisilin sila.

"Ouch!"

Mas lumapad ang ngiwi ko, pero inulit ko pa rin. Mas diniinan ko sa pagkakataong ito at mas tinagalan ko rin ang pagpisil. Ramdam na ramdam ko iyon dahil wala naman akong suot na bra.

"Shit! Ito na nga ba ang sinasabi ni Li... masakit raw sa suso!" Bumuntong-hininga ako.

"Okay lang sumakit sila Susie at Susan, baby... okay lang din mawasak si Pearl, basta ligtas kitang mailabas. I love you!" nakangiti kong bulong sa tiyan ko.

Mabilis akong naghilamos at nagmumog. Nagsuklay din ako ng buhok at nagsuot ng bra bago ako lumabas para mag-agahan na sa villa nila Auntie Elia.

"Good morning!"

Natulala ako nang makita ko si Gabriel na nakatayo sa gilid ng dining table na ilang hakbang lang ang layo sa pinto ng silid ko. Open floor plan ang villa kaya kita mo na agad ang buong bahay paglabas ng bedroom.

Kumurap-kurap ako. Baka nanaginip lang ako. Baka guni-guni ko lang ang topless na Gabriel na masayang bumati sa akin. May kaunting pawis na dumudulas galing sa malapad niyang dibdib pababa sa abs niya at kahit hindi ako ganoon kalapit sa kaniya ay amoy na amoy ko pa rin siya—amoy baby!

Napalunok ako nang ma-realize kong hindi nga ito imagination lang. Gumalaw siya! Lumakad siya papalapit sa akin!

"B-Breakfast?" alok niya.

Napasulyap ako sa six-packed abs niya. Kung bakit ba mas pansin na pansin ko ito ngayon kahit na nakita ko naman na iyon dati.

Hormones. It's just my fucking hormones.

"Busog na ako!" I swiftly answered.

"Ano? Busog ka na?" kunot-noong tanong ni Gabriel.

"Shit! I mean, busog pa ako!" Kinagat ko ang labi ko at tumalikod na sa kaniya para sana takasan ang 'pang-aakit' niya. Pero nahabol ng kamay niya ang braso ko kaya natigilan ang mga paa ko sa paghakbang.

Napaharap ako kay Gabriel. Hirap na hirap akong iangat ang tingin ko sa kaniya dahil para akong tinutukso ng matipuno niyang katawan.

Shit, Stephanie! Ikalma mo! Buntis ka na, ano ba?!

"Kahit kaunti lang, kumain ka, please... p-para makainom ka na rin ng vitamins niyo ni baby," malumanay niyang pakiusap.

"Niluto ko lahat ng paborito mo... h-hindi ko kasi alam kung saan ka naglilihi eh, kaya niluto ko na lang lahat." Umiwas siya ng tingin sa akin na para bang nahihiya siya, pero kitang-kita ko sa mga labi niya ang papausbong na ngiti.

Biglang nagliparan ang mga paru-paro sa tiyan ko. I let out a small smile. Ngayon na lang yata ulit ako kinilig.

"Okay... sige, k-kain na tayo," mabagal kong sagot.

Napasulyap siya sa akin. Mas dumami ang mga paru-paro sa tiyan ko nang magtama ang mga mata namin. Bumaba ang kamay niya mula sa braso ko papunta sa palad ko. Hinayaan kong magkasalikop ang mga daliri namin habang lumalakad kami papunta sa lamesa.

Reckless RomancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon