Chapter 23 - Love

75 9 35
                                    

Warning: this chapter contains sexual scenes. These scenes are intended for plot progression and to enhance character development.

Bisperas ng pasko—maulang pasko. Kabubukas pa lang ng Café Amor pero puno na ang lahat ng lamesa. Karamihan umiinom ng mainit na kape habang naghihintay sa pagtila ng malakas na ulan sa labas. Panay ang hagikgik ng mag-jowa sa Table 3, nagbobolahan siguro. Nagmomonito-monita naman ang magbabarkada sa Table 6. Mukhang 'something embarrassing' ang theme nila sa linggong ito dahil ang isa ay may bitbit na pambomba sa toilet bowl. Kalalapag lang ni Gail ng order na choco lava muffin sa Table 4 kung saan nagde-date naman naman ang mag-amang kapitbahay ko sa condo. Abot-tainga ang ngiti ng batang babae nang kagatin niya ang muffin na halos kasing-laki ng kamao ko.

Café Amor is Café Amor today—love café. Every corner was just filled with that fleeting feeling, except my heart.

"Ano'ng plano mo sa Noche Buena mamaya, Steph?" tanong ni Jasper habang inaayos ang pagkakasalansan ng donuts sa bread stand.

"Mamaya?... K-Kay Kuya Spence, d-doon ako magpapasko," pagsisinungaling ako.

Palaging magkakasama tuwing pasko sila Mama, Papa at Kuya Spence. Palagi naman akong mag-isa. Dati, kasama ko si Li noong sa akin pa siya nakatira, pero simula noong nagsama sila ni Andrew—mag-isa na ulit ako. Sanay na rin naman ako, isang araw lang 'yon. Lilipas din ang pasko.

"Ikaw, Jasper? Saan ka mamaya?" tanong ko habang nire-refill ang thermal paper sa POS machine.

"Tutulog lang!" Tumawa siya nang malakas. "Kung hindi ka pupunta sa Kuya mo, yayayain sana kita magsimba, eh." Napakamot siya ng ulo at marahang sumandal sa may lababo.

His plan is inviting. Parang bigla akong nag-crave sa puto bumbong at bibingka dahil sa sinabi niya. Pero mas gusto ko pa ring mapag-isa. Hindi ko alam kung nasanay lang talaga ako roon, but celebrating Christmas alone is like overcoming an obstacle course for me. Kapag nakaya ko magpasko mag-isa, hindi na masakit ang mga susunod na holidays.

Napabalik ako sa ulirat nang kumalansing ang windchime ng café. Halos sumabay sa tibok ng puso ko ang bawat lagatok ng takong ng bagong customer. She was wearing a red body-hugging midi dress, red lipstick, and red stilettos. Ang buong outfit niya ay sumisigaw ng 'Happy Holidays!' Napangisi ako nang maisip iyon, pero hindi pa rin nawala ang kaba ko. Ano na naman kayang eksena ang gagawin ng Amerikanang ito sa café?

"Hi, Amber. What can I get for you for today?" magalang kong tanong paglapit niya sa counter. Pinilit kong ngumiti sa kaniya kahit na hindi ko pa rin mapakalma ang nagtatambol kong puso.

Naramdaman ko ang paghakbang ni Jasper. Mukhang napapaisip din siya kung ano'ng ginagawa ni Amber dito.

Amber flipped her blonde hair slowly and then she said something so unexpected that made my eyes widened.

"Forgiveness... can I have that please?" She's giving me the puppy- eyes. Nakakabanas na naapektuhan ako no'n. Napalunok lang ako at hindi nakasagot.

"C-Can we talk outside?" she asked hesitantly.

I quickly glanced at the glass window. Huminto na ang ulan pero hindi ang malakas na kabog ng dibdib ko. Tumango lang ako kay Amber at saka mabilis sinulyapan si Jasper na nasa likuran ko.

***

Ilang segundo kaming binalot ni Amber ng katahimikan habang nakasandal sa hood ni Kitkat.

"Is this your car?" Halata sa mga malilikot niyang mata na sinabi niya lang iyon para basagin ang katahimikan.

"Yes," I responded.

Reckless RomancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon