Chapter 14 - Perfect

67 9 48
                                    

Kahihigop ko pa lang ng kapeng tinimpla para sa akin ni Jasper. Nakaupo ako sa tabi ng lamesa sa kitchen at nakatulala. These past two weeks were the hardest days for me. Halos walang customer ang Café Amor. Palaging maraming tirang pastries, napipilitan na nga lang kaming ibenta nang palugi ang iba. Kapag may tira pa rin, pinapamigay ni Jasper sa mga batang namamalimos sa kalye tuwing hapon.

Dalawang linggo pa lang wala si Li, pero parang pabagsak na agad ang negosyo namin. Ayokong i-report sa kaniya 'yon, dahil alam kong busy siya sa pagma-manage ng kompanya ng daddy niya. Mula nang mabaril si Tito Alejandro, si Li na ang naging temporary CEO ng Alvarez Hospitality Group. Two and a half months lang naman si Li na uupo bilang CEO ng AHG. Two and a half months lang din akong magiging manager ng Café Amor, pero two weeks in pa lang—sablay na agad ako.

"Ma'am Steph, ang lalim ng iniisip natin diyan ha?" bati ni Gail pagpasok niya sa kitchen. Dumiretso siya sa lababo para maghugas ng kamay. Pagkatapos sinuot niya ang bandana niya sa ibabaw ng nakatirintas niyang mahabang buhok.

Bumuntong-hininga ako. "Nakakahiya kasi kay Li, baka pagbalik niya dito sa café, ma-disappoint siya sa akin," malungkot kong sagot. 

Muli akong uminom sa kape ko na medyo maligamgam na. Ipinunas ni Gail ang kamay niya sa apron niya at saka humarap sa akin.

"Ma'am Steph, hindi ipagkakatiwala sa'yo ni Ma'am Lia ang Café Amor kung hindi ka magaling!" Bahagyang namilog ang mga mata niya. "Don't worry too much, Ma'am Steph..." dadag pa niya habang nakangiti sa akin.

"Na-edit ko na rin 'yong pictures nila Ma'am Lia at Sir Andrew, a-upload ko na mamaya. For sure, makakatulong 'yon sa atin." Halata sa boses niya na pinapalakas lang niya ang loob ko.

That photoshoot for our rebranding and marketing strategy is our last resort. Ginawa na namin lahat, kahit ang 50% off one hour before closing. Last week, nag 'buy -two-get-one-free' na rin kami sa lahat ng coffee based drinks, pero hindi pa rin napataas ang benta namin.

"Salamat, Gail!" nakangiting sagot ko. "Kaya natin 'to, laban lang!" Itinaas ko ang kamao ko at mas pinalawak ko pa ang ngiti ko.

Marami akong insecurities sa buhay ko kaya wala akong tiwala sa sarili kong kakayahan. Hindi ako nag-college dahil hindi na ako kayang pag-aralin pa nila Mama. Pinag-aral ko ang sarili ko sa pinakamurang culinary school na nahanap ko. Pagkatapos, kumuha ako ng certification sa TESDA para maging barista. Ilang taong nagpatalon-talon sa kung saan-saang coffee shop bago ako idinamay ng bestfriend kong si Li sa pangarap niya—ang muling buhayin ang café ni Tita Amor.

I'm glad she did. I'm glad that she believed in me when no one else did.

Wala pang limang minuto mula nang lumabas si Gail ng kitchen, pumasok naman ang pawis na pawis na si Jasper. Saktong kauubos ko pa lang ng kapeng tinimpla niya at katatapos ko pa lang din hugasan ang mug.

"O, saan ka nag-marathon?" pabirong tanong ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot, nakangiwi ang bibig niya—mukhang nag i-LBM.

"M-Masakit ba tiyan mo? Natatae ka?" natatarantang tanong ko.

Napakamot siya ng ulo at biglang hinablot ang basa ko pang kamay.

"Ha? Hindi ah!" tanggi niya. "Kailangan ka sa labas, may customer na naghahanap ng manager," kinakabahang sagot niya.

Ano na naman kayang kamalasan ang mayroon ngayong araw?

Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Jasper. Mabilis kong inayos ang bandana ko at ang pagkaka-ribbon ng apron ko sa likod. Pinapanood lang ako ni Jasper na butil-butil na ang pawis sa noo. Pumilas ako ng isang paper towel at inabot 'yon sa kaniya.

Reckless RomancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon