Chapter 28 - Hope

52 9 15
                                    

Natatanaw ko ang nag-aagaw na liwanag at dilim sa labas mula sa malalaking bintana ng ospital habang marahang tinutulak ng nurse ang wheelchair ko. Kagaya ng langit, hindi ko rin alam kung ano'ng pipiliin ko ng mga sandaling ito.

Should I embrace the darkness that is slowly eating my whole or hold on to that tiny speck of hope inside me?

Kagaya ng langit, alam kong kailangan kong pagdaanan ang dilim na ito at umasang bukas ay liliwanag na ulit.

"Nandito na po tayo, Ma'am... room 309 po kayo, tama?" Magiliw akong nginitian ng nurse. Tumango ako at pilit akong ngumiti pabalik sa kaniya.

Kakatok pa lang sana siya sa pinto nang biglang bumukas ito. Tumingala ako at nakita ko ang mga malamlam at singkit na mga mata ni Gabriel. Hindi ko na siya pinasama pa sa ultrasound scanning kanina, kahit ano'ng pilit niya.

The bleeding stopped by the time we arrived at the hospital—we almost made it. Almost.

"Thank you, nurse... I'll take it from here," saad ni Gabriel pagkatapos ay lumipat siya sa likod ko para sana itulak ang wheelchair papasok ng kuwarto pero inawat ko siya.

"Kaya ko nang tumayo," diretsong sabi ko sa kaniya.

Hinawakan ko ang papel na nasa kandungan ko at saka ko unti-unting inunat ang mga paa ko. "Hindi ko na kailangan ng wheelchair," dagdag ko pa.

"Sigurado ka, Maxine?" nag-aalalang tanong niya.

"Yes," tipid kong sagot bago ako tuluyang tumayo at naglakad papasok sa loob ng kuwarto.

Binitawan ni Gabriel ang hawakan ng wheelchair at natataranta siyang sumunod sa akin.

"Dahan-dahan lang..." pahabol na paalala niya. Hindi niya na ako naabutan dahil umupo agad ako sa gilid ng kama.

Liningon ko ang nurse sa may pintuan, "Thank you, nurse..." I nodded and gently smiled at her.

"Tawagin niyo lang po ako kapag may kailangan kayo," malumanay na paalam niya.

Marahang isinara ni Gabriel ang pinto at agad siyang umupo sa pang-isahang sofa sa tapat ng kama.

Hinila ko ang kumot at itinakip ko ito sa hita ko at hinayaan kong sumayad hanggang sa talampakan ko.

"Are you cold? Nagpadala ako ng mga damit kay Jaime... may jacket ka diyan." Mabilis niyang sinulyapan ang maliit na itim na maletang nakasandal sa puting dingding.

"M-Magbibihis na lang ako mamaya," sagot ko habang nakayuko.

Manipis ang asul na hospital gown na suot ko pero hindi naman ako nilalamig, halos wala nga akong maramdaman sa balat ko. Kanina pa ako ganito, walang nararamdaman... ni hindi nga ako nakapag-react nang sinabi sa akin ni doktora ang balitang nakasulat sa papel na hawak-hawak ko.

Right! I should give this to him.

"A-Ano pa lang sabi sa ultrasound... o-okay lang ba si baby?" Biglang kumirot ang dibdib ko nang marinig ko ang tanong niya. His raspy voice added vulnerability to his shaking voice.

Hindi ako nag-angat ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya. Nanatili akong nakayuko habang inaabot sa kaniya ang nakatuping papel. Kinuha niya agad iyon mula sa nanginginig kong mga kamay. Narinig ko ang kaluskos nang paglipat niya ng mga pahina.

"W-What's this Maxine?" pautal niyang tanong.

Nakita kong pumatak ang ilang butil ng luha ko sa kumot, pero hindi ko naramdaman ang pagtulo nito. Wala pa rin akong maramdaman maliban sa kirot sa dibdib ko. Pinunasan ko agad ang mga mata ko at huminga ako nang malalim.

Reckless RomancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon