Chapter 26 - Lost

62 8 17
                                    

Warning: Self-harm and suicide. Reader discretion is advised. Help is available. I'll comment here some mental health hotlines I'm aware of.

Ni minsan hindi pumasok sa isip ko na magiging komportable ako sa dilim... na pipiliin kong isarado ang mga kurtina sa kuwarto ko kahit na nagpupumilit sumilip ang liwanag ng araw. Akala ko hindi ko na ulit mararamdaman ito... na dahan-dahan akong nabubura at nauubos kahit araw-araw akong humihinga. Akala ko hindi na ako babalikan ng mga boses sa isipan ko... na pilit akong kinukumbinseng piliin na lang ang mawala kaysa sa malungkot, matakot, at magluksa.

Isang buwan na yata akong ganito—unti-unting nawawala.

Halos hilahin ko ang mga paa ko para lang makapunta ako sa banyo. Hindi na akong nag-abala pang buksan ang ilaw sa banyo, nakikita ko naman ang lababo kahit medyo madilim. Naghilamos ako ng mukha at nag-umpisa nang mag-toothbrush.

Hindi na siguro ako maliligo ngayong araw, mababasa rin naman ako mamaya.

Sinikap kong bagalan ang pagsisipilyo ko habang tinititigan sa salamin ang maputla kong mukha. Hindi na kasi ako nasisinagan ng araw. Isang linggo na yata ang nakalipas mula nang huli akong lumabas ng unit ko.

"Fuck shit!" malutong kong mura nang mapansin kong nagdurugo na naman ang gilagid ko.

Mabilis akong nagmumog para tapusin na ang pagsisipilyo at para hindi ko na rin malasahan ang sarili kong dugo. Ito ang dahilan kaya ako lumabas last week. I was still living last week; I was still hoping that everything would miraculously be okay. Nagpacheck-up pa ako no'n sa clinic dahil baka na-Dengue na ako, panay kasi ang dugo ng ilong at ng gilagid ko. I was still afraid of dying last week, but today... I just wanted to end it all.

Dumiretso ako sa kusina, para linisin ang kalat na iniwan ko kagabi. Napailing-iling ako nang makita ko ang dalawang ipis sa ibabaw ng mga hugasin kong plato sa lababo. Parang nagulat pa sila sa akin at hindi agad nakalipad. Kumaripas ako ng takbo para habulin ang mga ito ng walis tambo pero nanlalambot ang mga kalamnan ko, hindi ko sila naabutan.

Binuksan ko ang ilaw sa kusina para makita ko ang mga kalat at duming kailangan kong linisin ngayong araw. Iginala ko ang mga nanunuyo kong mata sa dining area at sa kitchen. Napabuntong-hininga ako nang mapagtanto kong hindi lang pala 'pang-kagabi' ang mga nakatiwangwang na hugasin... pang-isang linggo na pala.

"Pucha! Stephanie, nakakadiri!" singhal ko.

Inumpisahan ko nang linisin ang buong unit ko. Gusto kong iwanan na malinis at mabango ang bahay ko— bilang respeto na rin sa ilang taong pinagsamahan namin. Winalisan ko ang sahig at nang hindi pa ako nakuntento, nag-mop pa ako sa sala at sa kusina. Wala akong iniwan kahit kutsarita sa lababo at kahit kumukulo na ang tiyan ko, pinilit kong tapusin ang mga hugasin. Napasulyap ako sa wall-clock sa sala. Muntik ko pang mabitawan ang kutsilyong sinasabon ko nang mapagtanto kong mag-a-ala-una na ng hapon.

"Shit! Lunch break niya na, tatawag na 'yon! Ang bagal mo kasi maghugas!" sermon ko sa sarili ko.

Saktong pagpunas ko sa mga basa kong kamay, nag-ring ang cellphone ko. Lumunok ako ng laway, ngayon lang pumasok sa isip ko na hindi pa pala ako nakakainom ng tubig simula nang magising ako kaninang umaga. Tumikhim ako para itago ang gaspang na nararamdaman ko sa lalamunan ko bago ko sinagot ang tawag.

"Steph! How are you today? How's Bali?" sunod-sunod na tanong ni Li sa kabilang linya.

Nagsinungaling ako sa bestfriend ko, ang alam niya nasa Indonesia ako—soul searching ang paalam ko. Funny. I exactly know what happened to my soul. I will never be able to find it again because it was already broken.

"A-Ah... okay naman. Ang ganda ng weather dito today... baka mag-surfing ako mamaya or magpamasahe sa spa." I forced a smile on my face, thinking that my voice would sound happy too.

Reckless RomancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon