"Dukha! Dukha!""Linisin mo yan! Ulila! Salot ka! "
Ilan lamang iyan sa mga naririnig ko tuwing papasok ako ng school
Masakit. Nakakasakit ng damdamin. Nakakasira ng pagkatao. Nakakababa ng moral.
Pero minsan pag nasanay kana. Hindi mo na alintana ang lahat. Isa lamang iyong mababaw ng hadlang para sumaya ka.
Bata pa lamang ako ay namulat na ako sa katotohanang naiiba ako. Hindi lahat madali. May bahagi sa buhay ng tao na madilim. Na bago mo marating ang iyong patutunguhan ay kailangan mo munang masagasaan.
Tila isang patimpalak. Merong paligsahan, hindi mo alam kung ano ang pabuya subalit nagkalat ang mga hurado at kailangan mong mahusgahan.
Subalit sa kabila nito ay meron pa ding susuporta sa iyo.
Kaakibat ko si lola sa lahat ng ito. Ang nag-iisa kong taga suporta.
Ang maamo niyang mukha ang nagpapaalala sa akin na sa kabila ng kasamaan sa mundo ay may tagapagtanggol ako. Dahil dito ay natuto akong makuntento. Na sapat na ang isa para makaya mong mapagtagumpayan ang lahat.
Ang lalawigan ng Nueva Ecija ay kinatatayuan ng iba't ibang mayayamang haciendero. At kung tatanungin ako kung ano ang kulay ng mundo, ang isasagot ko ay berde sapagkat simula pagkabata ay namulat ako sa lugar na ito na mayaman sa kulay berde. Puno, mga dahon at samo't saring pananim na hekta-hektarya.
Kabilang sa mga ito ang Hacienda Alfonso na matatagpuan sa bayang kinabibilangan ko.
Mayaman ang bayang ito at sagana sa mga produktong inaangkat pa sa ibang probinsya. Sikat rin sa turismo. Dahil sa kinalakihang kapaligiran halos lahat ng tao sa probinsya ay umaasa sa pagsasaka, ito ang pangunahing hanapbuhay ng karamihan kaya ang mga tao ay masayang nagsisilbi sa mga hacienda para sa kanilang pangkabuhayan.
Tinunton ko ang maputik na daan tungo sa maliit na nayon kung saan ako nag aaral. Grade four na ako at nasanay na akong mag-isa lang maglakad dahil medyo may kalayuan ang aming paaralan.
Pagbungad ko sa makalawang na gate ng aming paaralan ay naghihintay na ang grupo ng mga batang babae na araw araw akong hinaharangan simula pa ng tumungtong ako ng grade one. Sila ay pinangungunahan ni Jeah at ngayo y patawa tawa
lang."Andito na si dukha" Pang mamaliit niya sa akin at sabay sabay silang nagtawanan.
Diretso ako ng lakad ng bigla akong nadapa. At humapdi ang aking tuhod dahil sa mga bato na nadaganan ko.
"Umuwi kana walang lugar dito ang mga ulila na gaya mo!" At sabay silang nanukso
"Tumayo ka diyan para kang palaka." bungingis ng lalaki na transferee na kadarating lang.
At simula noon palagi na kami magkasama ni Elias na naging matalik kong kaibigan. Pinsan niya daw si Jeah at isinusumbong niya ito tuwing inaaway ako. Kaya hindi na madalas ang pang bubully sa akin ni Jeah.
Grade five na kami at sobrang lapit na namin sa isa't isa.
"Dali pakopya ako ng assignment! Hehe." pag papacute niya.
"Eto na oh." At sabay buklat sa kuwaderno.
"Bait mo talaga bespren! Hayaan mo kahit pakopya mo lahat sakin ikaw pa rin first honnor, Hahaha."
"Dali na!" Angal ko.
" Classmate! May sagot ako sa assignment sa Math!
Dali. Pakopyahin ko kayo basta bigyan nyo ako snack mamaya tsaka wag niyo na awayin si Sam!"
Sigaw ng napakakulit kong kaibigan.Tila mga bubuyog naman silang lumapit ng nakangiti. Napa iling na lang ako at hinayaan sila.
Sa dulo ng silid ay nakita ko si Jeah na hawak ang kwadernong nakatingin sa mga kaklaseng busy sa pangongopya. Gusto ko sanang lapitan subalit ng tumingin sa akin ay pinanlakihan ako ng mata at umiwas ng tingin. Kaya hinayaan ko nalang.
BINABASA MO ANG
What I Once Was (Highschool Series #1)
Teen FictionHighschool Series #1 In a family of hacienderos, Aeon is recognized in the province of Nueva Ecija as a intelligent, attractive, cold, and famous haciendero. He also have a skilled at beating people up but not until Samantha shows up. Behind love is...