Chapter 3

11 3 0
                                    

Nagtapos ako ng Elementarya ng Valedictorian. At sayang saya si Lola kaya nagpahanda kami ng kaunting salo salo at inimbita ang malalapit na kaibigan.

High School na kaya madaming adjustment ang nangyari. As for us, ako, Elias, and Jeah, we stayed together. Northern Nueva Ecija University na matatagpuan pa sa bayan ay napagpasyahan naming mag aral nalang sa Vicente Sur Integrated School kahit na hanggang grade 8 lang ang offer dito basta sama sama kaming tatlo at hindi masyadong magastos ay okay na.

Maliit lang ang populasyon ng Estudyante kaya simple lang at payak. Nagsikap kami kaya nagtapos ako ng grade 8 na With Highest Honors at With Honors naman ang dalawa dahil nais naming maging magkaklase ulit sa Grade 9 sa NNEU.

Summer kaya ginugol ko ang oras sa pag tulong kay Lola sa pag aalaga ng aming maliliit na lupa na may pananim at binenta sa merkado.

"Apo nabisita nyo na ba ang tutuluyan nyo sa bayan?" Isang gabi ng maghapunan kami ni Lola.

"Hindi pa La! Sa Tiya po nina Jeah at Elias iyon.
Bukas pa po kami bibisita para sabay sa enrollment na din."

"Ganon ba. Magkano daw ba ang boarding doon?
Saka paano ang kakainin mo doon?"

"Limang daan po La ang buwanan. Mabuti na lang at natawaran dahil kakilala naman. Hati po kaming tatlo sa mga meron kami kaya mas nakakatipid po iyon."

"Salamat naman. Hayaan mo't dadagdagan ko ang mga ipapadala ko sa iyo. Mag ingat ka don palaga ha at mag aral ng mabuti. Naku iyon lang Apo ang maipamamana ko sa iyo." pangaral ni Lola sabay punas sa luhang tumakas sa kanyang mata.

"Lola naman. Syempre naman po. Para sa iyo mag-aaral ako ng mabuti."

"Gawin mo yon Apo para sa sarili mo. Mahirap ang walang edukasyon. Tingnan mo ang Lola tumanda nat dito pa rin sa bukid."

"Ikaw lang itong inaalala ko dito Lola dahil mag isa kayo."

"Wag ako ang alalahanin mo. Nariyan lang sa kabilang bahay sila Gina. Mag aral ka lang masaya na ako."

"Ano ba gusto niyo ako maging?" tanong ko.

"Basta madaming pera." Tawa ni Lola.

"Basta marangal apo. Upo na't kumain na tayo." sabay niya punas sa akin luha at umupo na kami.

"Dala niyo ba lahat ng requirements?" Panigurado ni Elias nang makababa kami sa bayan at naglakad papuntang boarding house.

"Oo kahapon pa itong nakahanda dahil sa pa ulit ulit mo Yas." sagot ko.

"Mabuti naman dahil mahirap na at baka masalisi tayo dito. Masisira ang kondisyon kong mag girl hunting." gigil ni Elias.

"Mag aral ng mabuti hindi lumandi sabi ni Auntie.
Sumbong kita Yas."

"Tumahimik ka nga Jeah. Mabuti ng malandi wag lang torpe." Halakhak ni Elias.

Tumahimik naman si Jeah na tumingin sa malayo.

"Ikaw naman Sam. Naku! Sayang yang makinis mong legs at sexy mong katawan kung dimo gagamitin ng tama. Mag short nalang sabi eh!"

Tiningnan ko ang suot kong T-shirt na white at
Pantalon. okay naman ah.

Lumapit sa akin si Jeah at hinawakan ang dibdib ko.

"Okay na lahat. Mahabang buhok. Mapupula at maninipis na labi. Mahabang pilikmata. Maputi't makinis na balat. Maliit na bewang. Mabalakang." iniwas ko ang aking katawan.

"Hahaha diba El-... Hoy bat ka namumula Elias?" tanong ni Jeah sa umiiwas na si Elias.

"M-mainit. Dami mong sinasabi kasi. Pati si Sam na nabwibwisit na rin."

What I Once Was (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon