Chapter 16

5 1 0
                                    

Wala akong nagawa kundi ang sumunod kay Alfonso papunta sa sasakyan.

I distance myself dahil maliban sa ayaw ko ng atensyon ay mas lalong ayokong masaksak ng wala sa oras ng mga fan girls nito. Mabuti nalang at dahil halos nagsiuwian na ang mga estudyante at walang katao tao sa parking lot. Ang agad kong pinagtataka ay kung bakit narito ang sasakyan nito samantalang dati rati ay naka abang na ito sa labas ng gate tuwing uwian ni Alfonso.

Nang makapasok siya ay nag intay ako ng kaonti bago nagpa linga linga sa paligid at mabilis na tumungo sa pintuan ng sasakyan katabi ng driver's seat. Binuksan naman ito ng nakangiting si Kuya Lucio at pumasok na ako. Narinig ko namang nagbuntong hininga si Alfonso sa likuran.

Tahimik lang ako sa upuan habang nagbabyahe. Ang tunog lang ng makina ang aking naririnig dahil sa katahimikan.

"Naka uwi na ba ang Tiyong mo Sam?" tanong ni Kuya Lucio.

"Hindi pa po. Hindi pa raw tapos ang pag aani ng mangga sa Sitio." Ang Sitio ay ang malawak na bahagi ng hacienda sa dulo ng lupain kung saan matatagpuan ang malawak na koprahan at taniman kung saan nag aani ngayon ang Tiyong.

"Pero dinadalaw po siya paminsan minsan ni Tiyang lalo na pag naghahatid siya doon ng pagkain."

"Ganoon ba? Marami rami nga ang aanihin ngayong taon dahil sa magandang kalagayan ng mga pananim." nakangiting dagdag ng matanda.

Napagawi ang aking mata sa salamin at halos matunaw ako sa madilim na titig ng lalaki sa aking likuran. Kaya imbes na makipag sukatan ng tingin ay umiwas nalang ako diretso ang tingin sa unahan.

"Naayos na ba ang kasunduan sa lupain niyo?" patuloy na tanong ni Kuya Lucio.

In my peripheral view I saw Alfonso gazed at the driver with curiosity on his face.

"Binigyan po kami ng palugit." sagot ko.

"Hindi talaga maaasahan ang Edgar na iyan. Hindi ko mabatid kung hinahayaan lang ito ng mga Coronel."

"Hayaan niyo na ho at maayos rin ito. Konting tiyaga lang at mababawi rin namin ang lupa." sagot ko.

Ngumiti naman ang matanda sa aking tugon. At ng tumingin ulit ako sa salamin ay nakakunot ang noo ni Alfonso na nagpapahiwatig na di naintindihan ang aming pinag uusapan. Kaya tumahimik nalang ako.

Pagsapit sa bukana ng mansyon ay sakto namang pagdating ni Tiyong.

Nagpasalamat ako kay Kuya Lucio at dali daling lumabas para magmano.

Papalapit ako ng tiningnan ako ng masama ni Tiyong.

"Bakit ka nakasakay sa kotse ng amo mo?!" mahinahon subalit may diin nitong sabi.

"Utos ho kas-"

"Ano na lang ang sasabihin ng iba? Na nagpapakasarap ka rito? Tandaan mo! Narito ka para makatulong!" para akong nanliliit sa mga salita ni Tiyong. Nais kong mangatwiran subalit sa kabilang banda'y maaring tama siya. Kasalanan ko rin naman dahil sa akin pinanggastos ang inutang ni Lola.

"Pumasok ka na at tumulong ron!" utos nito kaya sumunod na ako. At pag gawi ko sa kabila ay nakita ko si Alfonso naglalakad papasok sa mansyon na nakatingin sa akin.

Narinig niya kaya yon?

Kinabukasan ay sumabay na ako kay Alfonso papuntang school. Dahil sa natuwa ang Donya kahapon ay naisip kong makatitipid nga ako sa pamasahe

"You didn't tell me you work there." Tyler said after our lunch.

"Pasensya na. Madalian kasi Tyler saka kailangan."

"Bakit? We were shocked Sam because he was like your mortal enemy but why?" curious na tanong ni Vaughn. Sinadya talaga nilang dalawang i corner ako sa likurang bahagi ng classroom para ma nterrogate.

What I Once Was (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon