Chapter 42

7 0 0
                                    

I smiled as I recieved the email of the invitation regarding the project. Apat na kompanya ang nakapasa sa proyekto, kabilang rito ang mga Coronel at Alfonao. It will be fun.

We were in the middle of the briefing of the project nang magsimula silang magkagulo sa pagdedesisyon kahit nang mga maliliit na bagay. I sat there observing them. It's funny how people make things complicated, pwede namang magkasundo ang lahat pero each of them are proving their point. It is not about what is for the best anymore, it's about their pride.

"Our ad should focus on the elite people because they are our biggest consumer! We can ensure the capital growth of our campaign. " Matigas na sabi ni Don Fernando. Hindi na ako magtaka kung bakit ang nais lang niya ay kung paano makalipon ng pera.

I looked at the girl beside him. It is her daughter Celine na kinagulat ko kanina dahil narito rin pala. I couldn't believe na ganoon pala siya ka interasado sa business. She tries to listen to the conversation pero alam kong wala siyang maintindihan dahil panay ang pagpigil nito sa paghikab. Yeah I have her background check and I cannot believe it na kung gaano man siya ka ganda o nanggaling man sa isang maimpluwensiyang pamilya, ganoon din siya kawalang kwenta sa pag aaral. She graduated her college with questionable grades. It was a fact na binayaran nila ang unibersidad para lang makatapos siya.

She is eyeing me most of the time at di nakaligtas sa akin ang pag irap at pag bato niya ng masasamang tingin. I was sitting in front of them kaya di maiwasang mapatingin sa lalaking katabi niya na surprisingly ay nakatingin din sa akin. Celine saw me looking at Alfonso kaya tumalim ang kaniyang mata at isinandal niya ang kaniyang ulo sa balikat ni Alfonso and the guy didn't even move.

"How about we ask the professional opinion of Miss Villarde here since she's silent for quite a while." nakangiting sabi ni Celine na dahilan kung bakit sa akin na punta ang atensyon ng lahat. Celine grinned, alam kong sinasadya niya ito.

"Miss Villarde?" Mr. Fernandez called. I didn't even moved. I sat still.

"Mr. Coronel has a point. The elite class are actually our biggest consumer. They spend millions just to buy the product we're selling." I looked at them and I saw Don Fernando smiled because I agreed to his statement.

"You're repeating what my Father said." panunuya ni Celine. She stilled when I smiled back. Hindi pa ako tapos bitch.

"BUT... as I'm reviewing the survey that management did. I found out that it is actually the lower class people who are buying these products not the rich hacienderos and tycoons." I added.

"What do you mean? Saan naman sila makakakuha ng pera? Ang mga mahihirap di kayang mag konsumo ng ganitong klaseng produkto dahil walang silang mga pera. Saaan nila hahanapin ang pera? Stealing?" rinig ko ang pagka dismaya sa boses ni Don Fernando.

"Probably. Diba laki sa hirap yan. Yumaman lang pero malay nating magnanakaw rin pala dati yan." pangungutya ni Celine. I raised my left eyebrow.

"Mr. Coronel everyone knows here how rich your family is pero ang tanong ko, ni minsan ba pumunta ka sa palengke o grocery stores para bumili?" I asked and I saw he was taken a back with my words.

"It's actually the muchachas, alipin, slaves or maids who are buying your needs in the groceries. Simple lang ho ang patakaran, you give them money pero sila ho ang bumibili maliban nalang kung iniisa isa niyo pa ang brands na ginamit na ingredients sa kinakain niyo." I heard few people laugh with my statement.

"Let's be honest here. Kung walang manggagawa at mga alipin walang mararating ang pera. Siguro nga walang yayaman kung wala ang ang tulong ng mga mahihirap. To make it short, walang mayaman kung wala ang mahirap. The GreenLife Expo Company is a well trusted brand for so many generations and why is that? Because the Fernandez knew the value of every consumers, mahirap man yon o mayaman. The product always prioritize the needs of the people." I took a glance to Mr. Fernandez who smiled and nodded.

What I Once Was (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon