Parang nanghihina ako at nauubusan ng hininga. Nagkatinginan ang aming mga mata at walang kumurap.
Agad ko ring binawi ang aking pagkabigla at handa nang singhalan siya kaya bahagyang naghiwalay ang aming mga labi subalit ilang pulgada lang ang aming mukha.
"Umal-"
"Stay." mahina pero may diin nitong sabi.
"Ano-"
"The guard is still there."putol ulit nito sa akin.
Kaya tumahimik ako ng mapagtantong baka mabuking ako, kami ng guard. Kaya kahit na naasiwa ako sa posisyon at alam kong ganon rin siya, ay wala kaming nagawa kundi ang manatili na tila mga estatwa.
"May tao ba diyan?"tinig ng guard sa
labas at ang flashlight nito ay nakatuon sa bandang amin."Pusa lang siguro." sabi pa nito at iginala ang ilaw at kalaunan ay pinatay ito kaya dumilim ulit ang silid. Narinig ko ang kanyang yabag palayo sa amin.
Hayyyst salamat naman. Tumayo naman si Alfonso at pinailaw nito ang cellphone at pinagpag ang kanyang damit. Ako kaya ang nasa ilalim! Lumabas ito ng silid kaya sumunod ako. Pagkalabas...
"What the hell are you doing here!" galit nitong sabi.
"Naghanap ng lib-"
"Are you insane! It's past seven! You're missing for like one and a half hour!" putol nito sakin
"Di ko namala-"
"We're supposed to finish this groupwork! As a group!" halos pasigaw nito.
The veins on his neck protruded and anger is evident on his eyes.
"Teka paano ako makakasagot kong pinuputol mo ako! Pede ba makinig ka muna!" pagalit ko ring sabi.
Akala niya siya lang ang may karapatang magalit.
"Nandito ako dahil hinahanap ko ang libro ng astronomy na sinabi ng librarian kanina! Kukunin ko na sana nang natumba ang mga karton at silya kaya nadaganan ko! Pagkagising ko gabi na at doon mo ko nakita at ano... ahmm" biglang uminit ang pisngi ko sa naalala.
"Basta! Sino ba kasi ang nang iwan habang nag reresearch ang grupo?! O etong reference mo!" sigaw ko at sabay salampak ng libro sa dibdib niya at nagmartsa akong umalis. Galit rin ako!
Nakalabas ako ng school at mabuti naman at napaniwala ko ang isang guard na nasa library ako nanggaling.
Madilim na ang daanan pero dahil malapit lang ang boarding house ko ay lalakarin ko nalang ito at dahil na rin sa nagmamadali ako dahil tiyak na nag aalala na sina Jeah at Elias sa akin.
Di pa ako nakakalayo ay may bumusinang Ford Ranger sa likuran ko. Tumabi naman ako sa daan at patuloy ang paglakad. Bumilis ang sasakyan at huminto ito sa gilid ko at bumukas ang pinto sa tabi ng driver.
"Hop in. Ihahatid na kita." sabi ni Alfonso na ang mga mata ay nasa daan. Nag dra-drive na siya?
Sabagay mayayaman nga naman.
Ihahatid saan? Baka salvage mo pa ko.
"Wag na! May paa ako."
"Maraming aso dyan pag gabi. And your friends are waiting for you. Wag ka nang maarte." he insisted.
Pinandilatan ko naman siya kahit di niya naman nakikita at pumasok ako sa loob katabi niya. Nakita kong tumingin siya sa akin.
"Ano?!" pa suplada kong sabi ng binalingan ko siya.
Hindi naman siya umimik at biglang ini-unbucket ang seatbelt nito at lumapit sa akin. Baka halikan niya ulit ako.
"Hala! Anong gagaw-" natahimik ako ng napag alamang sinarado niya pala ang pinto ng kotse sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
What I Once Was (Highschool Series #1)
Teen FictionHighschool Series #1 In a family of hacienderos, Aeon is recognized in the province of Nueva Ecija as a intelligent, attractive, cold, and famous haciendero. He also have a skilled at beating people up but not until Samantha shows up. Behind love is...