Pinunasan ko ang luhang kumawala sa aking mata.
"Kaya mo to Sam." bulong ko sa sarili. llang araw na lang at matatapos na rin ang aking trabaho rito.
"Good morning." bati ni Blake saka ito naupo sa mesang katabi ko. Naalala ko si Alfonso, he use to sit there and checking all the papers at the top of his table at ang minu-minuto nitong pagbaling sa akin ng tingin.
"Sam?" bumalik ako sa katinuan nang marinig ko ang boses ni Blake.
"I think you need a break." puno ng simpatiya nitong sabi.
"Hindi na. Malapiy na namang matapos ang trabaho ko rito eh. Saka malapit na ulit ang pasukan." I replied.
"You sure?" Tanong nito at ngumiti lang ako bilang tugon saka pinagpatuloy ang ginagawa.
It's been three weeks since that incident. The next day ay di na nag report si Alfonso sa office at pinalitan na siya ni Blake dahil busy daw ito. Busy sa engagement nila ni Celine. Tuwing nagkukrus ang aming mata ay ako na ang umiiwas. Gusto nitong lumapit at ilang beses akong tinawag subalit nagbibingi bingihan ako. Masyadong masakit ang mga nangyayari, masyadong masakit para sa akin. Kaya naman sinunod ko si Tiyang nang sinabi nitong sa Kamalig nalang ako mamalagi dahil tiyak akong inaabangan ako palagi ni Alfonso sa aking kwarto sa mansyon.
Madalas ko ring nakikita ang mga Coronel na pabalik balik sa mansyon at kasama na roon si Celine. Di ko man gusto ang nangyayari ngayon ay di ko maitatangging ang bait niya sa akin. Tuwing magkakasalubong kami ay ngumingiti ito sa akin at nangangamusta. Ngumingiti rin ako pero di niya alam at nang karamihan na taliwas sa aking mga ngiti ay ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi gabi gabi.
"Sam maari bang humingi ako ng pabor sa iyo." sabi ni Celine isang umaga habang nagdidilig ako sa hardin.
Nabigla ako dahil pumunta pa talaga siya rito kahit basa ang damuhan at may mga putik sa ibang bahagi.
"Ano yon Celine?" tanong ko.
"Mag tra-trasfer kasi ako sa NNEU, wala masyado akong kaibigan at ayaw ko namang sumama kina Aeon kasi mga lalaki sila. Pwede ba akong makisama sa inyo?" nahihiya nitong sabi. Dito pala siya mag aaral, siguro' y para lalong mapalapit ang dalawa.
"Oo naman. Wag kang mag alala." Ngumiti ako sa kanya ng totoo. Walang rason para tumanggi ako. Dahil siya man ang fiancé ni Alfonso, at di yon sapat para magalit ako sa kaniya.
Kahit na kapalit no'n ay araw araw kong makakasama si Alfonso.
MAGLALAKAD sana ako papuntang guard house dahil may nakaabang doon traysikel pero tumigil ako dahil sa kotse sa aking harapan. Dumungaw doon si Kuya Lucio.
"Halika na Sam. Sabay ka na." yaya nito sa akin.Gusto kong tumanggi dahil batid kong sa loob ng kotse ay naroon si Alfonso. Hindi tinted ang salamin kaya habang papalapit ay nakikita ko si Alfonso na nakatingin sa akin.
Humakbang pa ako at bubuksan ko sana ang pinto subalit humarang doon si Blake. Naka uniporme ito gaya namin,
Grade eleven na pala ito at sa NNEU na mag aaral.
"Ako na ang maghahatid sa kanya Kuya Lucio." sabi nito.
"Ah ganoon ba Sir Bla-."
"You aren't allowed to drive the car." baritonong sabi ni Alfonso mula sa loob, bukas na ang bintana nito kaya nakikita ko ang kaniyang mukha at agad naman akong umiwas.
"Papa allowed me." nakangiting tugon ni Blake.
"I'm a better driver than you are. Perhaps a better person too." dagdag pa nito. I saw Alfonso's jaw clenched.
BINABASA MO ANG
What I Once Was (Highschool Series #1)
Teen FictionHighschool Series #1 In a family of hacienderos, Aeon is recognized in the province of Nueva Ecija as a intelligent, attractive, cold, and famous haciendero. He also have a skilled at beating people up but not until Samantha shows up. Behind love is...