Chapter 12

5 3 0
                                    

Days passed pero nahihirapan parin
akong mag adjust sa mga bago kong classmates. Para akong estranghero sa kanila. Palagi namang nandiyan si Vaughn at Tyler na kinakausap ako pero iba talaga kapag nalayo ka sa kinasanayan mo.

Pilit kong dinidistansya ang sarili sa kanila dahil maliban sa mga pahirit nila Keith ay gusto kong ituon ang isip sa pag aaral.

Na mi-miss ko palagi ang mga kaibigan ko. Ang ingay ni Owen at Reina. Ang medyo tahimik at at pormal na si Jeah. Ang pagiging strikto ni Elias at ang malokong sina Ced at Lance. Kahit na nagkikita naman kami tuwing break time at lunch ay nalulungkot parin ako..

Siguro nga sa buhay mayroong mga labang kailangan mong malagpasan na mag isa. It wasn't freedom because I'm not enjoying it at the moment. But it was independence, a room that is necessary enough for me to grow.

"Lunch tayo Sam." yaya ni Tyler matapos ang klase namin sa Physics.

"Ah salamat pero kasi-"

"Sige na Sam! It's been a while since we're on the same class and we never hang out. Come on." Vaughn invited.

"Sina Rein kasi baka hinihintay ako."

"Don't worry I'll tell her." Vaughn added.

"Sige." I replied short.

Paraan na rin to siguro para maka adjust ako sa bago kong environment.

"Let's go. Nandoon na ata sina Aeon, Tim at Matthew." masayang sabi ni Tyler habang naglalakad kami sa hallway.

Muntik ko ng makalimutan, kasama nga pala nila si Alfonso. Tinubuan man ng kaba, kailangan kong gawin to dahil halos araw araw ko na siyang makakasalamuha. Saka di naman siya ang makakasama ko at kakain ako period.

Habang naglalakad ay nag kwekwentuhan kami tungkol sa klase namin at panay ang reklamo ni Tyler dahil mahirap daw ang Math.

Di ko naman mapigilang mapangiti sa kakulitan ng dalawa. Kahit pa tinititigan ako ng mga estudyante ay pilit ko itong isinasantabi.

"Yow! What took you so long?" tanong ni Matthew ng dumating kami sa loob ng Caf sa East Wing. Nasa likuran ako ng dalawang malaking lalaking ito kaya parang nakatago ako.

Three of them are sitting. Tahimik lang sa tabi si Tim while Tyler is looking at his phone. May dalawang babae rin silang kasama. Ang isa ay nakahawak sa braso ni Matthew ang isa naman ay masayang nakatingin sa amin--kay Tyler?

"Tyler. This chic is searching for you non stop." ani Vaughn

"Huh? Do-don't know her." Tyler said as he look at me guiltyly

"Get your ugly face out here!" rinig kong hasik ni Alfonso sa babae na inis namang umalis.

"Dami mong chics Bro." Vaughn said with a slight of fun on his face.

"Sorry about that Sam. Tyler cannot handle his flings that well."' dagdag pa nito na kina alma ni Tyler.

Meanwhile the eyes of the three bore on
me. And Alfonso's sharp gaze ended with 'what ya doin' here?' look.

"Nga pala we envited little Sam here. And she's sitting with us." Tyler proudly said.

Tumango naman si Tim at patuloy ito sa pagkain.

"No prob." Matthew said in a cool way and he smiled. Tyler then covered Matthew's line of vision of me.

"His eyes are dangerous Sam and his smile is fatal." Tyler warned.

Nagtaka naman ako.

"Bakit? Anong meron sa mata at ngiti niya?" I asked curiously.

Nagtinginan sina Tyler, Matthew at Vaughn at nagtawanan ng malakas. Napatingin samin si Alfonso na magkasalubong ang kilay.

What I Once Was (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon