It didn't end there. The next few weeks the Hacienda was bombarded with partys, gatherings and other special occasions. Elsie's birthday party, welcoming party and launching of the Alfonso's businesses.
And all those times I stayed at kitchen. The place where I belong. I really wanted to witness the events but somehow I started to adjust and understand na may mga bagay na di dapat pinipilit.
During free time naman ay pumuunta ako sa rancho para tumulong sa pagpapakain sa mga kabayo pero di ko na sinubukang sakyan ito.
"Uulan ata mamaya." sabi ni Aleng Bella isang umaga.
The sun is shining but it's not bright enough. The scattered nimbus cloud are stopping the rays of sunshine to pass.
Ngayon ang araw kung saan pinapasyal ang mga kabayo at hinahayaan silang gumala sa buong rancho.
"Tiyang pupunta ho akong rancho. Tulungan ko ho si Mang Carding doon." magiliw kong sabi.
"Mag ingat ka Nak saka umuwi ka ng maaga baka maabutan ka ng bagyo."
Ngumiti naman ako at dali daling pumanhik na.
"Tulungan ko ho kayo Mang Carding." Bati ko pagsapit pa lamang sa rancho.
Nagkalat na ang mga kabayo sa malawak na damuhan. Nasisiyahan akong makita na tila masaya ang mga ito dahil nagtatakbuhan sila na parang mga batang malaya.
"Eto talagang batang to. Oh sige, ikaw ang bahala." masaya nitong sabi dahilan kung bakit lumabas ang dalawa nitong biloy.
"Mang Carding nasaan ho ang ibang mga katiwala rito? Bakit kayo lang ho ata mag isa." nagtataka kong tanong dahil mag isa lang ito sa rancho.
"Kailangan daw ngayon ng tao sa Sitio. Dahil sa paparating na bagyo ay kailangang ubusing anihin ang mga mangga sapagkat kung hindi ay maaaring sa pagbayo ng hangin ay mahulog ang mga ito at di na mapapakinabangan."
"Hindi ho ba malulugi ang mga Alfonso dahil inani na nila kahit hindi pa hinog ang iilan?" Tanong ko.
"
Hindi naman Sam. Maraming kliyente ang mga Alfonso at tiyak akong maaangkat nila ang lahat ng ito." Napatango naman ako dahil na rin sa pagka mangha."Nga pala, sinarado mo ba ang tarangkahan ng rancho?" Tanong nito.
Ang tinutukoy ni Mang Carding ang maliit na daraanan ng mga taong papasok sa rancho na yari sa kawayan. Sa tabi nito ay ang isa pang mas malaking rehas na para sa mga sasakyan na papasok subalit palagi itong naka kandado.
"Oho. Pero parang sira na ata ang lock ng rehas Mang Carding kaya hinarangan ko nalang ng isang kawayan."
"Napansin ko rin nga iyon at ang sabi ni Senyorito ay ipapaayos niya ito sa lalong madaling panahon."
Senyorito? Si Kuya Christian ba?
Nakita ko si Zamyr sa malayo. Mailap nga ito dahil di ito nakikisaluha sa iba.
"Mailap nga ang isang yan. Tanging si Senyorito Xavier lamang ang nakakapag amo diyan." Wika ng matanda ng mapansing tinititigan ko ito.
Nilapitan ko naman ang iilang kabayo at inaasikasoang mga ito.
"Nasaan ho si Sir Aeon? Balita ko ho ay siya palagi ang madalas na nag aasikaso sa kanila." tanong ko.
"Kakaalis lang kanina. Ang sabi ay tutulong daw sa Sitio, Ang batang iyon talaga napakasipag." at marami pang papuri ang sinabi ng matanda subalit kahit ang utak ko ay gustong sumalungat.
"Mang Carding is Aeo- Sam?" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Ate Elsie.
"Tumutulong ka rin pala rito." She said with a sweet smile. Minsan talaga mapatunganga ka nalang sa kaniya dahil sa ganda at hinhin nito.
BINABASA MO ANG
What I Once Was (Highschool Series #1)
Teen FictionHighschool Series #1 In a family of hacienderos, Aeon is recognized in the province of Nueva Ecija as a intelligent, attractive, cold, and famous haciendero. He also have a skilled at beating people up but not until Samantha shows up. Behind love is...