Chapter 15

3 1 0
                                    

Hinihingal akong bumalik sa loob ng bahay. Inaasahan kong magkikita kami pero di ko maiwasang kabahan parin sa paghaharap naming iyon. I know di pa iyon ang huli kaya dapat na akong masanay.

Pagsapit ng hapunan ay sinabihan ako ni Tiyang na tumulong daw ako kaya habang hawak ko ang kaserola ng ulam at siya namang pagtibok ng mabilis ng aking puso. Pagsapit ko sa mesa ay tila may pinag uusapan ang Don, si Kuya Christian at si Aeon, siguro'y tungkol sa business. Si Elsie naman ay busy sa kanyang phone. Habang si Blake naman ay nakikinig rin pero minsan ay palinga linga ito.

Napaangat ng tingin si Aeon at tumaas ang kanyang kilay ng magtama ang aming mata. Sa gilid ng aking mga mata ay nakamasid naman si Blake sa akin.

"Have you eaten na lha?" biglang tanong ng Donya sa akin nang ilagay ko sa mesa ang ulam.

"Ah mamaya na po kami Mam." sagot ko. Ngumiti naman ang Donya. "

"Ma, she's a maid." Alfonso spoke na may multo ng ngiti.

"Actually...." rinig kong sabi ni Alfonso at bigla tuloy akong nahiya.

I know that there's nothing wrong with who you are- with who I am pero ito yung point wherein na pag hinahamak ka na, there's a part in you questioning tons of 'Whys".

Umangat ng tingin ng lahat at sa akin ito nakamata.

"Oh shut up Aeon!" suway ni Kuya Christian man .

"Boys stop!" Elsie glared at them.

"Sam is an amazing person. You know, she's the only person who made me realize that a dying plant is not actually dead." ika ng Donya na ikinatigil ng lahat.

"I love gardening and all the time I spent there with you my children, all you said was 'Why bother the dying ones? We'll get a new one for you.." dagdag pa ng Donya.

"She has a good heart. And it's all that matters." ngiti ng Donya sa akin.

"Aww, Mama's getting sentimental." alo ni Elsie at niyakap ang ina.

"You're Mom's right. With all the riches we had. I loved her because the very moment I first laid my eyes on her, I knew she's a good woman." dagdag ng Don sabay hawak sa kamay ng asawa.

"Wait. I'm right! It was you!" biglang tugon ni Blake.

"You're the one who put this man down." he said while pointing to Aeon.

Sumimangot naman si Aeon at patatahimikin na sana ang kapatid.

"Hahaha! You remembered it too?" halakhak ni Kuya Christian.

At doon na nagsimula ang paghahamak kay Alfonso ng kanyang mga kapatid. All the time they were laughing and bullying him. Buti nga!

Matapos ang hapunan ay nagsi alisan na ang lahat maliban sa aming mga katiwala.

Habang nagliligpit ay lumapit sa akin si Maye at naki tsismis pa tungkol sa kung papano ko daw nakaharap ang mga ito dati.

Nasa kalagitnaan kami ng pag uusap ng tinawag ako ni Tiyang at inutusang dalhin daw sa kwarto ni Blake ang baso ng gatas. Umakyat ako sa ikalawang palapag ng mansyon at binaybay ang dulo ng pasilyo.

Kumatok ako sa pinto ng tatlong beses at naghintay subalit walang nangyari.

"Sir! Eto na po ang gat-."

Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang nakasandong si Alfonso at naka boxer.

Bigla akong di mapakali at di ko mawari kung saan titingin dahil parang umiinit ang aking pisngi.

Sisinghalan ko pa sana subalit napagtanto kong nagtatrabaho ako... sa kanila.

He caught my eyes with amusement on his face. He then shot his brows up as if asking a question sabay tingin sa hawakbkong gatas.

What I Once Was (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon