Chapter 41

4 0 0
                                    

Pagdating sa mansyon ay para akong nanghihina. The image of Tiyang crying and begging for my attention flashed on my mind.

"Argh!" sigaw ko sa ilalim ng unan. Iniisip ko kung ano ang nararamdaman niya sa mga nakalipas na taon. She must be devastated. Kung sasabihin ko sa kaniya maaaring mabulilyaso ang mga plano namin. Mapupunta sa wala ang lahat.

Napabalikwas ako sa kama. I got my car key at dali daling bumaba.

I don't know what to do but I just found myself sa labas ng luma naming bahay sa Pantabangan. Parang kinakapos ang aking hininga habang tila bumabalik ang aking mga alala.

Maraming mga bulaklak at pananim sa paligid ng aming barong barong. Nagsimula akong maglakad palapit subalit huminto din ako.

"Nak? Sam?" tinig ng babae sa aking likuran.
Agad akong lumingon at nakita si Tiyang katabi si Tiyong na nakatingin sa akin na kakababa lang sa tricycle. Maluha luha ang kanilang mata habang nakatingin sa akin.

"T-Tiyang." agad akong tumakbo palapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.

"Patawad Tiyang. Ako ho ito si Samantha" bumuhos din ang luha ni Tiyang at napaupo na kami sa lupa.

"Buhay ka anak." hikbi nito. Hindi na rin nagpigil si Tiyong at lumapit siya sa amin at nakiyakap na rin. Lahat ng emosyon ay binuhos namin habang hawak ang isa't isa.

"Paano ka anak nakaligtas? Hinanap ka namin ng ilang araw sa bukid na pinangyarihan. Pati din sa bangin at mga ilog." Tanong ni Tiyang nang makapasok kami sa bahay.

"Nahulog ho ako sa bangin nang habulin ako ni Edgat...at Aeon." nagdadalawang isip kong sabi.

"Nakita ho ako ng tauhan ni Lolo sa ilog bago pa man ako matagpuan ng mga pulis."

"Si Sir Aeon? Naroon siya?" paninigurado ni Tiyang at bakas ang pagkabigla sa kaniyang mga mata.

Oo Tiyang. Siya ang bumaril sa akin. Bulong ng aking isip.

"H-hindi ho ako sigurado. Madilim ng gabing iyon at di pa po buo ang aking memorya." Ayoko nang mag alala sila.

Ayaw kong madamay sila sa aking paghihiganti.

"Hayaan niyo na ho. Tapos na ho iyon, narito na ako at magkakasama ulit tayo." Ngiti ko.

"Akala ko ba anak ay may amnesia ka?" Direktang tanong ni
Tryang.
"M-meron ho pero meron ho akong naalala. Sabing doctor ay di ko pa ho narecover lahat ng alaala. Pero sana ho ay sa atin lang itong meron akong naalala." Rason ko.

Tumango naman si Tiyang saka pumunta ito sa kusina dahil nagluluto siya ng pagkain. Nanatili namang nakatingin sa akin si Tiyong.

"Kumusta ho kayo Tiyong." Tanong ko habang nakatingin sa saklay nito.

"Ok lang anak. Nakakahinga pa naman." Sabi nito saka binalot kami ng katahimikan.

"Kung ano man ang pinaplano mo ay mag ingat ka Sam." makahulugan nitong sabi.

"Di ako matatahimik Tiyong. Nakaukit lahat sa aking isip." sagot ko habang nakatingin sa labas.

"Di iyan ang gusto ni Nanay." alam kong nahulaan ni
Tiyong ang aking pakay.

"Buo na ang pasya ko Tiyong. Ibabalik ko sa kanila ang lahat. Kinuha nila ang lahat sa akin." mapait kong sabi. Di naman nagsalita si Tiyong.

"Naroon ho si Aeon nang nahulog ako sa bangin. Sila dalawa ni Edgar. Binaril nila ako."

"Paano? Si Sir Aeon? Nahuli ng mga pulis si Edgar nang gabing iyon dahil pagsapit ng mga pulis sa bangin ay puno ng dugo si Edgar dahil sa pagkakabugbog ni Aeon." Naguguluhang sabi ni Tiyong.

What I Once Was (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon