Kanina pa ako di mapakali sa kinauupuan. Katabi ko si Lola at Tiyang sa likod ng sasakyan habang sa tabi naman ng driver na guard din si Kuya Dom. Napapansin ko ang pagtingin ni Kuya Dom sa salamin. Ako naman parang musmos na walang ka ide-ideya sa nangyayari.
Mabilis lang kaming nakarating ng Sta. Rosa at nakita ko sa bintana malaking tarangkahan na nagpapahiwatig ng panibagong teritoryo. Binasa ko ang nakapaskil sa malaking signboard.
Hacienda Villarde
Since 1847Bumaba na kami sa sasakyan dahil narating na namin ang mansyon. Sing laki ito ng mga Alfonso at masasabi kong ito'y napakaganda. Ang pinagkaiba lang nito ay ang isang dosenang mga lalaki na nakaitim sa paligid. Isa ngang napaka maimpluwensiyang pamilya ang mga Villarde, kaya di na ako magtataka kung marami silang bantay para palakasin ang kanilang seguridad.
Iginiya kami ni Kuya Dom papasok kaya sumunod naman kami. Nanatili lang akong nakayakap kay Lola at Tiyang.
Nang marating namin ang salas ay natanaw ko ang tila di mapakaling si Donya Isabel na niyayakap ng isang Don na sa palagay ko ay kaniyang kabiyak at si Don Primo na tuwid na nakatayo na parang may hinihintay silang panauhing darating.
"Ma, nandito na sila." tawag ni Kuya Dom kaya napalingon sa amin ang lahat.
Para akong natinik sa kinatatayuan nang patakbong lumapit sa akin ang Donya at niyakap ako at umiiyak ito.
Bumaling siya sa asawa.
"Tama ako Domeng, siya nga'ng tunay. Nararamdaman ko." maluha luha nitong sabi habang hinahaplos ang aking mukha.
"Isabel." Suway ni Don Dominador pero ang mga mata nito ay nasa akin nakamata.
"Isabel!" Dumagundong ang tinig ng matanda na ngayon ay napatayo.
"Hindi pa ito napapatunayan kaya wag kang magpadala dala sa iyong naramdaman." ma awtoridad nitong sabi.
"Umupo kayo." Yaya ni Don Dominador kaya umupo sa harap nila.
"Kayo ba'y nagsasabi ng totoo? Dahil kung hindi ay mali kayo nang niloko." malamig na sabing matanda.
"'Lo." Suway ni Kuya Dom. Tumahimik naman ang matanda.
"A-Anak ko siya? Paano nangyari yon? Nasaksihan namin mismo ang kanyang libing." Naguguluhang tanong ni Don Dominador.
"H-Hindi Villarde ang nakahimlay sa puntod na pinaglibingan niyo." Nahihimigan ko ang pangamba sa tinig ni Lola."Paano? Pede niyo ho bang pahiwatig?" ika ni Kuya Dom.
"Labing walong taon na ang nakakalipas. Ang aking panganay na anak na si Maria na ngayo'y namayapa na ay nagtratrabaho noon sa Ospital sa Cabanatuan. Buwan iyon ng kaniyang kapanganakan subalit kailangan niyang m-magtrabaho para may panggastos." nakita ako amg butil ng luha na pumatak sa pisngi ni Lola.
"Kasagsagan noon ng bagyong Piyang kaya magulo ang ospital. Marami rin ang pasyente at subalit nagkaundagaga ang lahat nang dumating kayo Donya Isabel, mag isa at handa nang manganak."
"Tama. Bagyo nga iyon at pauwi kami sa mansyon kasama ang matanda naming driver dahil nasa Maynila noon si Domeng at si Papa, si Dominic naman ay bata pa kaya naiwan siya sa bahay. Sumakit ang aking tiyan at dali dali kaming pumunta sa ospital." segunda ng Donya.
"Isa si Maria sa mga tumulong sa iyong panganganak. At ika'y nawalan ng malay matapos mong magsilang. Uuwi na rin sana si Mercedes pero sumakit din ang kaniyang tiyan para magsilang. Lumabas din ang bata subalit masyadong mahina ito na di naman napansin ng doktor dahil maraming pasyente ang naghihintay. Ilang minuto ang lumipas ay namatay ang anak ni Mercedes, ang aking apo. Natakot naman si Mercedes dahil ito ang pinanghahawakan niya sa kaniyang nobyo sa Pantabangan, di niya matanggap ang nangyari kaya gumawa siya ng bagay na taliwas sa gusto ng Diyos." napaiyak na rin si Tiyang habang nakikinig naman ang lahat. Habang ako naman ay kinakabahan sa mga susunod na pangyayari.
BINABASA MO ANG
What I Once Was (Highschool Series #1)
Teen FictionHighschool Series #1 In a family of hacienderos, Aeon is recognized in the province of Nueva Ecija as a intelligent, attractive, cold, and famous haciendero. He also have a skilled at beating people up but not until Samantha shows up. Behind love is...