"Alam mo may something talaga akong naaamoy kay Sir Aeon." Naguguluhang sabi ni Maye habang nakatingin sa naglilinis ng motor na si Aeon.
Tumigil ako ng saglit at tiningnan din ang lalaki pero binawi ko naman ang tingin.
"Anong naamoy mo?"
"Gaga! Basta parang medyo lang ha! Dina siya bugnutin. Saka parang madalas ang pagtingin niya dito. Na notice niya kaya ang pagpapakulot ko ng buhok?" Gandang ganda nitong sabi.
"Baliw." Natatawa kong sabi.
"Pero seryoso. Alam m-."
"Clean my room from now on." Nabigla ako ng may nagsalita sa likuran ko kaya napatigil si Maye sa kakadakdak.
Lumingon naman ako at natanaw si Alfonso na nakataas ang isang kilay.
"Ha?" Tanging nasabi ko.
And he just smirked at umalis din agad. Bumalik ang tingin ko kay Maye nang bumuntong hininga ito.
"May something talaga eh." Tanging nasabi lang nito na ipinag kibit balikat ko nalang at nagpatuloy na sa ginagawa.
Pagkatapos kong maglinis sa labas ay pumanhik agad ako sa kwarto ng mahal kong amo.
"So di ka aalis?" tanong ko sa naka upong si Alfonso sa kanyang study table. Naka patong sa mesa ang mga paa nito habang ang nakalagay sa kanyang ulo ang dalawang kamay.
"Am I not welcome in my own room?" He menacingly said.
"Eh maglilinis ako. You shoud leave dahil maalikabok dito mamaya. Diba umaalis ka naman sa kwarto mo pag nililinis to nina Tiyang?" I ask half heartedly.
"There's zero dust here you see." Nilibot pa nito ang kanyang mata sa paligid.
"You see, kung wala naman palang dumi dito. Bakit pa ako maglilinis?" pagtataka ko. Tumigil naman siya at bahagyang nag isip.
"Still. You should clean." Walang paki nitong utos saka kinuha ang isang magazine saka nagbasa.
Di na ako nagreklamo pa at sinimulan nang linisin ang itaas na bahaging kanyang kwarto.
Kukunin ko na sana feather duster nang napansin kong bahagya siyang nakatingin sa akin habang nagbabasa ng baliktad na magazine. Yan ba ang uso? Nang napansin niyang nakatingin ako doon ay napatikhim siya at binaliktad niya iyon sa tamang posisyon.
Kinuha ko ang isang silya para abutin ang curtain holder nang nagsalita ito sa aking likuran.
"Ako na diyan baka mahulog ka pa." He said while his arms are crossed.
"Ako na. Trabaho ko to remember?" I insisted.
"Mataas yan. You can't reach. You're legs are too short."
Nahimigan ko ang tukso sa kanyang boses kaya nairita na ako ng lubos pero pinilit kong kalmahin ang sarili. Nilingon ko siya.
"Should I go? Tutal kaya mo naman pala." Humorless kong sabi.
Di naman ito nagsalita kaya pinagpatuloy ko na ang ginagawa.
"I'm just right here. I'll catch you if you fall." Ano daw? Bigla akong namula ng konti. Kung ibang tao ka lang lisipin kong nagpapa pogi points ka lang.
"Pafall." I murmured.
"What?"
"Wala. Di ako mahuhulog. Maingat akong tao kaya di ako ma fa-fall agad agad." I mocked.
Nagpatuloy ako sa paglilinis hanggang sa nag va-vacuum na ako. Di ko napansing umalis pala si Alfonso, gumala siguro.
Biglang bumukas ang pintuan ng banyo at muntik ko nang matapon ang vacuum nang bumulagta sa aking harapan si Alfonso na topless at tanging tuwalya lang ang nakatapis sa ilalim na bahagi ng katawan nito. His built is different from other boys in the same age as ours.
BINABASA MO ANG
What I Once Was (Highschool Series #1)
Teen FictionHighschool Series #1 In a family of hacienderos, Aeon is recognized in the province of Nueva Ecija as a intelligent, attractive, cold, and famous haciendero. He also have a skilled at beating people up but not until Samantha shows up. Behind love is...