Chapter 4

7 3 0
                                    

Alfonso.

Buong linggo ko itong inulit ulit sa aking isip.
Sigurado akong sa NNEU din siya nag aaral. Pero inisip ko ring malaki ang iskul kaya ipinagkibit balikat ko nalang ito. Isa pa ay mag tatatlong taon narin iyon kaya nakalimutan niya siguro ito.

Tila isa kaming nasa drama ni Lola na nag iiyakan habang nagpapa alam nang umalis ako sa bahay kahapon. Hanggang sa boarding house ay nalulungkot parin ako.

"Girl wag ka ngang drama diyan! Eh uuwi ka naman tuwing biyernes ng hapon don eh. Saka na save mo naman ang number ng kapitbahay niyo kaya maki text ka nalang dito sa phone ko!" pangaral ni Jeah.

"Hayaan mo na Jeah eh nag aadjust pa si Sam." puna ni Elias na ngayon ay tumutulong sa pag aayos ng gamit sa kwarto namin. "Naku bukas!
Tigilan mo na yan dahil may pasok na. Diba sabi ni Lola Carmela mag aral ka ng mabuti at kasisiyahan niya iyon."

Tama. Kaya mag fofocus nalang ako sa pag aaral para worth it lahat ng sacrifices.

Kinaumagahan sabay kaming tatlong pumasok sa iskul at nagtawanan dahil sa mga suot naming uniporme. Paldang sky blue na lampas sa tuhod at blouse na puti na may sky blue sa manggas at kwelyo ang sa babae. Skyblue na slacks at polong gaya rin ng pambabae ang kulay. Pinares pa ang black shoes.

Sa sobrang dami ng estudyante ay napalakad kami sa gilid ng daanan dahil sa nagkalat na sila sa paligid na nagtatawanan at nag kwekwentuhan.
Sama sama kasi sa campus ang junior high at senior high. Magkaiba lang sa kulay ng uniform dahil blue green ang sa SHS. Ang college naman ay nasa kabilang building lang at hinaharangan lang ng pader to seperate.

May dumadaan ding mga sasakyan papasok. Mga mayayaman siguro. Merong mga average student rin dahil mapapansin mo din talaga sa paglalakad at group of friends. Ang gagara ng iilan dahil halata sa ayos ng buhok, sa porma na tila sa isang pelikula.

Tinignan ko ang sarili sa unipormeng ito. Hindi kasing bago gaya ng iba dahil second hand lang ito, mabuti nga't nagkasaya sa limang daan ang dalawang pares ng uniform. At bago naman ang sapatos na iniregalo ni Tiyang. Saka pumunta kami rito para mag aral hindi magpa garbo ng damit.

Pagkatapos ng orientation sa malaking gym ay kaniya kaniya ng punta sa room. Bawat building ay isang year level. Nasa second floor ang room namin dahil Section one kami. Ang sabi ng faculty, qualify daw ako sa star section dahil sa grade ko kaso transferee ako kaya sa ini-disregard. Pero okay narin at least may kasama ako.

Sa kaharap naman naming building ay ang mga star sections.

"Ang saya siguro sa star section! Sana doon nalang ako."

"Wag kang mangarap mga matatalino lang ang naroon!"

"Di lahat no. Mayayaman lang ang ilan kaya nadala sa impluwensiya."

"Sayang doon pa naman sina.."

Di ko na narinig dahil sa ingay at umupo na kaming tatlo. Habang si Jeah naman ay walang tigil sa daldal na tinawan lang namin ni Elias.

May ibang patingin tingin sa amin. Sa akin. Siguro dahil sa transferee kami o mukha lang talaga akong taga bukid.

"Hi!" bati ng nakangiting maamo na babae kasama ang isang nakataas na kilay na lalaking may mapupulang pisngi at naka eye liner.

"Boyfriend mo?" Tanong niya sa akin habang naka turo kay Elias na katabi ko.

"Ah hindi best friend ko." Sagot ko at bigla namang ngumiti ito at naglahad ng kamay.

"Hello! I'm Owen, this is Reina naman" giya niya sa babae saka nag lahad ng kamay.

Tinanggap naman namin ito at nagpakilala na rin.
Umupo sila sa harapan namin at nagkwento at nagtatanong.

What I Once Was (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon