Chapter 10

8 3 0
                                    

"Okay class your practical exam for your final performance will start in 30 minutes. Everyone be ready." tinig ng instructor namin ang bumungad sa buong gym.

Hand and feet positioning in dancing ang test namin kaya todo ensayo ang lahat.

Bumili muna kami ng maiinom sa food court before magsimula.

"Yung PE uniform mo nasa locker mo ba?" tanong ni Rein.

"Iniwan ko sa locker kanina. Nagmamadali kasi ako kanina."

"Bihis na tayo! Baka magsisimula na mamaya." yaya ni Elias at nagsimula na kaming maglakad pabalik sa locker.

"Ay grabe talaga ang demonyitang si
Keith na to! Lahat na lang!" Owen said as he scrolled his phone.

"Ano ba yan?" tanong ni Jeah.

"Nag post lang ng walang kwentang gunting na hello kitty dami ng likes."

Agad namang naki usyoso sina Rein at
Jeah maging sina Cedric at Lance.

"Baka mamahalin?"tanong ni Cedric.

"Di ah. Saka yung caption CUT YOUR AMBITIONS OR WILL. Naks makata?" Rein added.

"Hala! Di gumagana yung watch ko Anong oras na?"tanong ni Lance.

"Check ko lang phone ko." Elias volunteered.

"Two-twenty eight. Diba Two-thirty yung cla-
PATAY!" at nagtinginan kaming lahat at nagtakbuhan.

Agad kong sinuot ang uniporme at diretsong takbo.

Mabuti nalang wala pa ang instructor namin ng dumating kami.

"Naks! Sam pa share it ng legs!" sigaw ni Rein.

"Bagay sa'yo girl ah in fairness!" Owen added.

"Trash trash trash! Eyes on you" ring naming sabi ni Keith habang naglalakad kasama ang mga assistant niya at diretso kaming nilagpasan habang may makahulugang ngiti.

Sumunod naman sa kanila ang buong star section dahil mag P-PE din.

Sasagot pa sana si Rein pero tinahan siya ni Jeah.

Hinila na nila ako dahil parating na si Sir.

Isa isa kaming nag perform hanggang sa ako na ng narinig ko ang tinig ni Keith.

"Sir excuse me! Can we watch their performances?
We can't memorize it kasi so baka ma freshen up kami if we watch them perform." Nakangiting hilaw niyang sabi na agad ko naman napansin pero pimagkibit balikat ko nalang ito.

"What is it this drama Keith?" a voice echoed the gym as Alfonso brows furrowed with his squad beside walked towards them. I saw Tyler smiled at me.

"I just want to learn Aeon. You'll enjoy it later." Keith uttered and it send Alfonso into a deep thoughts.

"I mean learn from their performance." Keith added with a cheeky smile.

"Suit yourself." Alfonso snickered, turned his back and sat on the bleachers with his Bros.

Eww.

"Wow that's so surprising coming from the star section. Well then, suit yourself." sabi ni Sir.

Agad namang umupo malapit sa likuran ko ang grupo nina Keith at sinundan naman ng iba maliban kina Alfonso.

Agad nang nag play ang music at nagsimula ako sa feet movement kaya ng matapos ay pinalakpalan nila ako. Sumunod ang arms and hand movements.

Nagsimula na nang mag play ang music kaya tinaas ko ang aking mga kamay nang biglang naghagikgikan ang nasa likuran ko. Nagtaka naman ang mga kaklase ko sa harapan.

What I Once Was (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon