Everyday is like a sunny day. Alfonso and I were enjoying each other's company. We go to school together and like to talk things out in the car, Mang Lucio isn't saying anything maybe he knows about us but Alfonso told me not to worry.
Pagdating sa university we keep acting like the usual, although sometimes he wants to get near me but I glared at him, especially if Tyler is talking at me and cracking his jokes I know it's getting on his nerves.
Pagdating naman sa mansyon ang oras lang na magkasama kami ay tuwing papasyal kami sa rancho. I am afraid and paranoid if makahalata ang iba, Nanay Lena is always asking me about my doings or whereabouts. Sometimes I feel Alfonso calming himself especially when l'm too hard on him or pushing him away but I know I'm doing this for us. Nagui-guilty ako dahil para akong nagsisinungaling sa lahat, pero kung may tao mang nakakasabay at nakaka usap ko ay walang iba kundi si Maye na palaging updated sa nangyayari sa amin. She's a good keeper and a good listener.
It's Semestral Break, dito muna ako kay Lola Carmela. I want to spend my short vacation with her dahil labis labis na ang pangungulila ko sa kanya at gayun din siya sa akin.
Nandito kami ngayon sa merkado dahil tinutulungan ko siya sa kaniyang mga paninda.
"Kumusta ang eskwela apo? Di ka ba nahihirapan?" tanong nito habang sinusuklian ang kustomer.
"Kayang kaya po La, saka mababait ho ang mga Alfonso, parang pamilya ho ang turing nila sa akin." ika ko sabay ngti. Guminhawa naman ang pakiramdam ni Lola.
"Mabuti naman, saka tinutupad nga ng munting Alfonso ang kanyang ipingako na bantayan ka." ngiti nito kaya lalong lumiit ang mata nito at lumabas ang biloy nito.
Namula naman ako dahil gusto ko mang sabihin kay Lola ang tungkol sa amin ay nagawa kong tumahimik.
"Ano ho ang iny-." naputol ang aking pagbati nang
makilala ko ang lalaking nakatayo sa aming pwesto."Naku! Ang dami yata ng benta niyo Carmela." sumilay amg mala demonyong ngiti sa labi ng lalaking pinaka ayaw kong makita.
Napatayo naman si Lola sa kaniyang kina uupuan.
"Ano ang kailan mo Edgar? Baka nakakalimutan mo Edgar bayad na ang pagkakasangla ng lupa namin sa inyo."
"Kumalma ka lang Tanda. Baka mahigh blood ka na naman at mawalan ng malay kasalan ko pa." pilyo nitong sabi saka sinayad ang mata sa aming paninda. Literal na nakakatakot ang mukha ni Edgar. Makapal ang kilay nito na lalong nagpatingkad ng pulang napapaligid sa kanyang mata. May suot itong sombrero na sa mga cowboy ko lang nakikita at may toothpick itong naglalaro sa dilaw nitong mga ngipin.
May kasama pa itong dalawang lalaki na ang mga mukha ay maihahalintulad ko sa mga kalaban ni FPJ sa mga palabas nito.
"Nais ko lang ipaalam sa iyo na kung mangangailan ka ng pera ay isangla mo lang ulit ang lupa mo." Halakhak nito.
"Pinagsisihan ko ang ginawa kong iyon Edgar, kung alam ko lang kung gaano ka kaganid sa pera. Di na iyon mauulit pa!" Galit na sabi ni Lola at naramdaman ko ang pagtaas baba ng dibdib nito.
"Paki usap ho umalis na kayo!" Paki usap ko. Sa akin
naman siya napabaling at sinuri ako ulo hanggang paa saka ngumiti ulit."Tama nga ang usap usapan sa Hacienda Alfonso,
masyadong maganda ang apo niyo para maging isang hamak na katulong. Maging ang mga lalaking trabahador sa Sitio ay itong apo mo ang pinag uusapan. Nahuhumaling sa matamis nitong
bango tuwing bibisita sa Sit-. " Di na matapos ni Edgar ang sinabi nang dumapo ang kamay ni Lola sa pisngi nito."Wag ang apo ko Edgar! Layas!" galit na banta ni Lola.
Napatingin naman ang iilan sa amin. Nakita ko ang galit sa mukha ni Edgar at agad sanang lalapit kay Lola pero pumagitna na ako dahil baka anong gagawin niya kay Lola.
BINABASA MO ANG
What I Once Was (Highschool Series #1)
Roman pour AdolescentsHighschool Series #1 In a family of hacienderos, Aeon is recognized in the province of Nueva Ecija as a intelligent, attractive, cold, and famous haciendero. He also have a skilled at beating people up but not until Samantha shows up. Behind love is...