"Ano ba yan Sam! Magpalit ka nga! Maliligo tayo sa falls tas you're wearing jogging pants! Seryoso?" hindi makapaniwalang saad ni Owen.
Tinignan ko sila at na O.P. yata ako sa soot nilang mga short shorts. Ang mga boys naman ay naka short ding mahaba ng konti sa mga girls.
"Ah. Wala akong short eh"
"Sige na nga pahihiramin nalang kita.
Malaki naman pwet at balakang mo kaya sakto sayo yon." namula ako saka hinila ni Rein papuntang kwarto niya.Lumabas na din kami pagkatapos ng ilang minuto at para akong di mapakali sa suot kong shorts dahil maiksi kaya hinihila ko ang tshirt ko pailalim.
"Presenting her sexiness... Samantha!" sigaw ni
Rein ng makalabas kami sa naghigintay na mga kaibigan sa labas ng van.Laglag panga silang lahat na nakatingin sa akin.
"Kainis ka girl!" tila nagtatampong sabi ni Owen.
"Sexy mo Sam. Pengeng digits." biro ni
Lance na siniko naman ni Cedric."Maganda ka dati pa at sa matagal nating pagkakaibigan ay ngayon lang kita nakitang naka shorts. Gumanda ka lalo." manghang si Jeah.
"Di naman sukatan ang damit kung maganda ang isang tao Yah."seryosong sabi ni Elias na nakatingin sa akin.
"Oo nga naman. Magbibihis nalang ako."
"Hep! Wag kayong OA okay? Maliligo na tayo. Let's go."may pinal na sabi ni Rein kaya umalis na kami.
"Wow ang ganda dito!"
Para kaming nasa wild jungle nang bumungad sa amin ang mataas na falls. The water was calm and it emitt a soothing sound as the water reaches the bottom and tiny ripples crash at the small rocks.
It was so clear that you can see the depths of the water."Let's go!" sabi ni Owen sabay kuhang cellphone at nagpiktyuran kami.
The boys removed their shirt at nag unahang magtakbuhan sa tubig while splashing the waters to the girls.
We laughed and enjoy the bath. Hanggang sa umakyat sila sa ibabaw ng falls dahil maliban rito ay may tatlo pang malalaking falls sa ibabaw kaya nagpaiwan ako sa baba dahil takot ako sa heights at binabantayan narin ang aming damit.
Naligo nalang ako at napansin ang area sa likod ng bagsakan ng tubig. Lumapit ako at sumisid paloob. Malawak ang space kahit medyo madilim na parang kweba at may mga naglalakihang bato kaya pala di mo alintana na may ganito sa loob.
Malamig rito at medyo maingay ang tubig.
"Ang ganda."mangha kong sabi.
Pagkaraan ng ilang minuto napagpasyahan kong bumalik kaya sumisid akong nakapikit ang mata sa malalim na tubig palabas.
Bigla akong natigil sa ilalim dahil may tumamang matigas na bagay sa aking ulo kaya inangat ko ang aking ulo. Para dumoble ang lamig sa katawan ko nang bumungad sa akin ang mukha ni Aeon Alfonso.
Lumaki ang mata ko na tila luluwa na dahil sa pinaghalong gulat at takot lalo na ng napagtanto kong nakapatong ang dalawa kong kamay sa kanyang matigas na dibdib at masyado kaming malapit sa isa't isa.
Shit! Inalis ko ang kamay ko sa kanyang katawan at tila napaso rin siyang inalis ang mga kamay niya sa baywang ko.
Sa sobrang kaba ay lumangoy ako paatras at tila bumigat ang aking katawan kaya lumubog ako at napainom ng tubig.
Mamamatay na ba ako? Please naman help me Lord.
Napaangat ako bigla nang may humila sa braso ko hanggang sa daramdaman ko ang lupa sa aking mga paa.
BINABASA MO ANG
What I Once Was (Highschool Series #1)
Teen FictionHighschool Series #1 In a family of hacienderos, Aeon is recognized in the province of Nueva Ecija as a intelligent, attractive, cold, and famous haciendero. He also have a skilled at beating people up but not until Samantha shows up. Behind love is...